top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

P100 na monthly savings ng mga members ng pag-ibig, gagawin nang P150

Thea Janica Teh
Nov 29, 2019
2 min read

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Matapos ang ilang buwang pagkonsulta at paghingi ng suporta ng Pag-IBIG Fund sa labor at employer group, napagdesisyunan na ng ahensiya na taasan ang tatlong dekadang Php100 monthly savings ng kanilang mga miyembro.

Inaprubahan ng 11 miyembro ng Board of Trustees ang pagtaas ng mandatory monthly savings na mula Pph100 ay magiging Php150 na, na magsisimula sa January 2021 at Pph200 pagtuntong ng January 2023.

“Para tuluy-tuloy ang pagbahagi ng lowest loan rates sa ating mga miyembro, kinakailangang taasan ang monthly savings ng mga ito. Ngayon pa lamang ay isinasaayos na ang pagtaas ng monthly savings para hindi mabigla hindi lang ang mga miyembro nito kundi pati na rin ang mga stakeholders sa pagbabagong ito,” bahagi ni Secretary Eduardo D. del Rosario.

Bukod pa rito, ibinahagi rin ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti na patuloy na tumataas ang porsiyento ng home loan mula sa Php100 monthly savings ng mga miyembro. “Sa katunayan, tumataas ito ng 17.5% taun-taon sa loob ng limang taon,” dagdag pa nito.

Noong 2014, umabot sa Php40.5 bilyon ang nakolektang home loan, ngunit, pagtuntong ng 2018, halos dumoble ito sa Php75.3 bilyon. Napanatili ito hanggang ngayong taon at umabot sa double-digit growth. Mula January hanggang October, tumaas ang home loan release ng 13% year-on-year to Php66.47 billion.

Ayon kay Moti, “Sa kasalukuyang monthly savings rate, bukod sa housing at short-term loan payment collection ay mayroon tayong sapat na pondo para masuportahan ang 10% average growth rate sa home loans at inaasahan na tataas pa ito sa 15% sa mga susunod na taon. Sa pagtaas ng monthly savings ng mga miyembro, mapananatili natin ang pinakamababang interest rate at mas marami pa ang mabibigyan ng kanilang pinapangarap na bahay.”

Ikinuwento rin ni Moti na bago sila nagdesisyon na taasan ang monthly savings ng mga miyembro ay ilang buwan silang kumonsulta sa mga labor union, OFWs, non-government organizations (NGO), employer groups at stakeholders.

Kaya naman nagpapasalamat ang Pag-IBIG Fund sa mga sumuporta sa pagtaas ng monthly savings. Dahil ang pagtaas ng monthly savings ay pagtaas ng benepisyo at dibidendo ng bawat miyembro ng Pag-IBIG Fund.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page