top of page
Pokwang.jpg

Horoscope | Nobyembre 29, 2019 (Biyernes)

Maestro Honorio Ong
Nov 29, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 29, 2019 (Biyernes): Kabilang ka sa mapapalad na nilalang. Ang iba ay na­­ngangailangan pa ng to­dong pagsisikap, pero ang iyong buhay ay gaganda ka­hit hindi mo ito gawin.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ha­napin mo ang saya dahil ka­pag masaya ka, bumibilis ang pag-asenso mo. Layuan mo ang lungkot dahil kapag malungkot ka, halos hindi ka na ma­ka­ki­los. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lot­to-1-27-30-35-41-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dadalawin ka ngayon ng iyong suwerte. Ito ay literal na nagsasabing, pa­pasyal sa iyo ang taong pi­nang­gagalingan ng mga su­werte mo. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-2-18-24-28-34-38.

GEMINI (May 21-June 20) - Maaatang sa iyong bali­kat ang pagpa­pas­ya sa mga tao. Maghanda ka at palakasin mo ang iyong sa­rili at ang madalas na pag­sasanay ang pinakama­hu­say na preparasyon. Ma­suwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-20-29-35-39-42.

CANCER (June 21-July 22) – Hindi ka da­pat maaapek­tu­han ng ma­lungkot na buhay ng isang malapit sa iyo. Iwasan mong ma­ging emosyunal dahil ang bugso ng damdamin ay hin­di makabubuti sa iyo. Ma­suwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-16-17-26-31-32.

LEO (July 23-Aug. 22) - Maki­­bahagi ka sa mga proyek­tong magpa­pasaya sa kabataan. Isang utos ito mula sa langit na kapag iyong nasunod ay ba­bahain ka ng mga suwerte. Ito ang men­sa­he para sa iyo. Masuwer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-7-18-20-23-39-44.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagdaratingan ang magagan­­dang kapala­ran sa buhay mo. Mana­tili kang positibo at pama­lagiin mo ang tiwala sa iyong sarili. Ito ang men­sahe ng iyong ka­palaran ngayon. Ma­suwer­teng kulay-black. Tips sa lotto-7-19-21-27-31-36.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mamahaling hi­yas ang ka­tum­­­bas mo nga­yon. Marami ang magha­ha­ngad na maging bahagi ka ng ka­nilang buhay dahil inspiras­­yon ang hatid mo sa lahat. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-15-16-22-25-37.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit parang tinatamad ka, gumaganda pa rin ang takbo ng iyong bu­­hay. Ganito ang pagma­ma­­hal sa iyo ng langit kung saan hindi ka Niya iiwa­nan kahit may mga pagku­ku­lang at kahina­an ka. Ma­su­wer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-4-14-25-33-35-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kunin mo ang kaya mong kunin at dam­­putin mo ang kaya mong damputin. Ang mga suwer­te ay lalagay sa iyong hara­pan at sasaiyo kung iyong ta­tang­­­ga­pin at aangkinin. Ma­su­wer­teng kulay-red. Tips sa lotto-9-12-17-23-30-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Higpitan mo ang hawak sa mga bagay na nasa iyo na. Hindi ka da­­pat tumulad sa marami na nag­sasaya dahil gusto ni­lang magsaya. Ito ang men­­sahe ng iyong kapalaran. Ma­su­wer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-6-11-16-22-27-30.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Huwag kang masiya­­han, sa halip, kunin mo pa rin ang su­wer­­teng nagdaratingan. Bakit ka makikinig sa sinasabi ng iba na dapat kang ma­kun­ten­to? Walang nakaa­alam kung ano ang bukas para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-17-20-24-26-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung sino ang masayahin, siya mismo ang iyong suwerte. Pasimple kang du­mikit sa kanya at bubuwe­nasin ka. Gawin mo siyang bahagi ng buhay mo at ga­­ganda ang kinabukasan mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-18-21-25-28-31.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page