top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Gusto mo ‘to, besh! Mga paraan para madaling matupad ang wish

  • Sr. Socrates Magnus II
  • Nov 29, 2019
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ang ilang kaalaman kung paano matutupad ang mga wish na may kaugnayan ngayong Kapaskuhan.

Nasusulat na “Humiling ka at ikaw ay pagbibigyan,” as in, make a wish and it will be done. Pero bakit kahit nagwi-wish ang tao, walang nangyayari sa kanilang kahilingan?

Narito ang mga simpleng paraan upang mapasaiyo ang iyong kahilingan.

1. Ganito ang sabi, “Mahalin mo ang mga bata” dahil ang mga bata ay espesyal sa paningin ng langit. Pakitaan mo ng maganda ang mga bata, pasayahin mo sila at magugulat ka na ang wish mo ay matutupad na.

2. Nasusulat, “Dalawin mo ang mga ulila,” oo, dalawin mo sila at ipadama mo na may nagmamahal sa kanila at ‘yun ay ikaw mismo. Hindi magtatagal ay mapapa-wow ka dahil ang hiniling mo ay hawak mo na.

3. Dalawin mo rin ang mga balo dahil ito mismo ay Banal na Utos na ang ibig sabihin ay ipadama mo sa kanila na may nakaaalala sa kanila. Hindi rin magtatagal ay ikaw mismo ang magsasabi na hindi ka nakakalimutan ni God dahil pinagbigyan ang hiling mo.

4. Regaluhan mo ang mga kapus-palad, matutuwa sila sa iyo at ang langit at ang anghel sa langit ay matutuwa rin sa iyo kaya kahit ang mga kahilingan mo ay may pagkaimposibleng mangyari ay ipagkakaloob pa rin ito sa iyo.

5. “Mahalin mo ang iyong sarili” dahil kapag hindi mo ito ginawa, malabong matupad ang isa pang Banal na Utos na “Mahalin mo ang kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.”

6. Para malinaw, mali ang inaakala ng marami na mamahalin nila ang kanilang kapwa higit sa kanilang sarili. At lalong mali ang mahalin mo ang isang tao, pero hindi mo mahal ang mismong sarili mo.

Kumbaga, hindi mo na minamahal ang iyong sarili dahil mas mahal mo ang ibang tao.

7. Muli, kailangang mahalin muna ng tao ang kanyang sarili dahil ang templo ni God ay ikaw mismo. Kumbaga, si God ay nananahan mismo sa iyo kaya dapat mo itong gawin.

8. Mali ang ginagawa ng marami na mas mahal pa ang iba kaysa sa sarili nila. Kapag minahal natin ang templo ni God, ang ating mga kahilingan ay pagbibigyan.

9. Mahirap sundin ang nasa itaas, lalo na sa mga taong in love na in love, pero mas mahirap ang isa pang paraan kung paano matutupad ang mga wish at ito ay mahalin mo ang iyong mga kaaway.

10. Sino kaya ang makakagawa nito? Kapag ang mga ito ay nasunod, sigurado na ang kanyang kahilingan ay matutupad dahil ang sinumang nagmamahal sa kanyang kapwa ay hindi bibiguin ng langit, as in, para kay Lord, “Your wish is my command!”

Good luck and God bless!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page