Ayaw maniwalang BF ng aktres si Arjo… Aldub fans, todo-asa pa ring babalik si Maine kay Alden
- Erlinda Rapadas
- Nov 29, 2019
- 1 min read

Hanggang ngayon, ayaw pa ring tanggapin ng maraming AlDub fans na hindi na magkakaroon ng katuparan ang pinapangarap nilang magkatuluyan at maging real-life partners ang tambalang Alden Richards at Maine Mendoza kahit na ano’ng pagpoprotesta at pamba-bash pa ang gawin nila. The truth remains na walang naganap na relasyon sa pagitan ni Yaya Dub at ng Pambansang Bae na si Alden. Good friends at showbiz love team lang talaga ang kanilang naging relasyon.
Naging tapat si Alden at ayaw paasahin ang mga fans nila ni Menggay. Kung naging sweet man sila ni Maine, hindi ‘yun pagpapanggap at lalong hindi niya ginamit si Maine para lang sa kanyang career.
Pero kahit na ano’ng paliwanag ang gawin ni Alden, ayaw tanggapin ng AlDub fans. Patuloy silang umaasa at naniniwala na may relasyon sina Alden at Maine at lihim nang nagpakasal. In fact, may anak na raw ang kanilang mga idolo at itinatago lamang sa publiko.
Kahit na mismong si Maine na ang nagsabi na never silang naging mag-boyfriend ni Alden, bulag at bingi ang AlDub fans. Kahit na idini-display na ni Maine ang BF niyang si Arjo Atayde, ayaw pa ring tanggapin ng AlDub fans ang katotohanan. Babalik din daw si Yaya Dub kay Alden.





Comments