top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

3 days pa lang magkakilala, nagpunta na sa bahay ng aktres… BF ni Karla, todo-pray na matanggap ni D

  • Julie Bonifacio
  • Nov 29, 2019
  • 3 min read

Iniharap na ni Karla Estrada ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Jam Ignacio bilang bahagi ng birthday celebration niya sa morning show nila nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros sa ABS-CBN, ang Magandang Buhay.

“Actually, ninenerbiyos ako para sa kanya,” ‘di mapalagay na simula ni Kar­la. ”Kasi, hindi naman talaga siya sanay. Saka, hindi naman niya ‘to inaakala.”

Tinanong ni Jolina si Karla kung ano ang napi-feel niya ngayong luma­bas na sa programa nila si Jam.

“Masaya naman at saka bago lahat sa akin ‘to kasi wala pa naman akong na­iharap, ‘di ba? First time ‘to. Kahit ‘yung mga tatay ng mga anak ko, parang hi­yang-hiya ako. Kasi, kung kailan naman may apat na ako’ng anak. But you know, sabi nga ni Vice (Ganda), deserve natin ‘to, sumaya, lumigaya,” pahayag ni Karla.

Pagkatapos ay si Melai naman ang nagtanong na ilang beses na-rattle sa pagsasalita habang kinikilig kina Karla at Jam. Melai’s question was kung kailan sila unang nagkita and what was his initial impression kay Momshie Karla.

Sumagot si Jam at si­nabing June 1 (2019) at ‘ma­ganda’ ang sinabi niya nu’ng una niyang makita si Karla. Kasunod nito ay tinanong si Jam kung ka­ilan niya naramdamang mahal niya si Karla.

“‘Yung madalas na ka­mi magkasama, nu’ng na­kilala ko siya nang mas mabuti,” sabi ni Jam.

Inamin pa ni Jam na mabilis daw nahulog ang loob niya kay Karla dahil hindi naman daw mahirap maha­lin ang ina ni Daniel Padilla.

“Actually, ang bilis nu’ng sa akin. Kasi, ang tagal ko nang heartbroken, kaya lang, nagdadala­wang-isip ako na baka natutuwa lang ako na me­rong ganu’ng tao na nagpapakita ng concern or nagpapakitang-gilas. Cha­rot! Hindi naman,” tawa ni Karla.

Natuwa raw si Karla kay Jam dahil sa tapang nito na harapin siya knowing how strong ang personality at kung gaano katapang in real life si Queen Mother, ‘di ba?

“Pumunta siya sa bahay na hindi niya iniisip na bahay namin, ‘di ba? Eh, three days pa lang kaming magka­kilala. So, pumunta siya sa bahay, may dalang bulaklak at coffee, ganu’n,” pag-alala ni Karla ha­bang magka-holding hands sila ni Jam.

Si Jam naman daw that time, kaya ang lakas ng loob na umakyat ng ligaw sa bahay ni Karla ay dahil wala naman sa isip niya na parang superstar ang isa sa Magandang Buhay hosts.

“Inaano ko lang siya na parehas lang kami na normal na tao. Kung ano ‘yung dapat gawin ng lalaki sa isang babae, ‘yun naman ang ginagawa ko,” sabi pa ni Jam.

Nagbigay din ng birthday wish si Jam for Karla at ‘yun ay ang maging masaya siya.

“Gawin lang niya kung ano ‘yung makakapagpasaya sa kanya. Kasi, ‘yun naman ang dapat, eh. Hindi ‘yung ga­gawin niya lang dahil gusto ng ibang tao,” mensahe ni Jam.

Ipinagdasal naman daw ni Jam na ma­ging okey siya sa mga anak ni Karla especially kay Daniel.

“God’s way na rin. Siya na rin ang parang gumawa ng way para magkaro­on kami ng bonding ng mga anak niya, ma­kilala ko sila nang mabuti. Kasi galing din ako sa kung ano ‘yung naranasan niya, galing din kasi ako ru’n.”

Hiwalay sa kanyang asawa si Jam at may kambal na anak.

Salo naman ni Karla sa sinabi ni Jam, “Hindi kami nahirapan i-explain kung, ‘Ano ba? Paano natin uumpisa­han ito?’ kasi halos pareho kami ng pinag­daanan.”

Ngayong ipinakilala at nailahad na ang bagong love story ni Momshie Karla sa Ma­gandang Buhay, for sure, nabitin pa ang mga tagasubaybay ng Kapamilya mor­ning show kaya siguradong marami pang susunod na appearance/guesting si Jam dito. Kaya lagi lang tumutok sa Magan­dang Buhay mula Lunes hanggang Biyer­nes pagkatapos ng Umagang Kay Ganda.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page