top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Klase, suspended para iwas-trapik sa SEA Games

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 28, 2019
1 min read

Inihihirit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) ang pagsuspinde ng klase sa lahat ng eskuwelahan sa Metro Manila.

Anila, ito ay upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga kalsadang daraanan ng mga delegado ng 30th Southeast Asian (SEA) Games. Kumbaga, ito ay para makarating sa tamang oras ang mga atleta at iba pang delegado sa mga venue ng palaro.

Bagama’t, sa ngayon, ilang paaralan na malapit sa ilang game venue sa Metro Manila ang nagsuspinde na ng klase para sa SEA Games.

Bukod sa class suspension, pinag-aaralan din ang paglalaan ng isang lane sa EDSA para sa Sea Games delegates tulad nang ginawa noong APEC at Asean Summit.

Nakatakda ang opening ceremony ng 30th Sea Games ngayong Nobyembre 30 na tatagal hanggang Disyembre 11.

Ito ‘yung isa sa mga bagay na wala tayong magagawa kundi ang sumunod lalo na kung ito lang ang nakikitang magandang paraan para maging maayos ang daloy ng isang gawain.

Gayunman, sana ay magsilbi ring gabay para sa mga susunod pang panahon. Kung puwede namang gawin sa ibang lugar na hindi grabe ang trapik at walang klase, trabaho o negosyong masasagasaan, doon na lang.

Bigyan din natin ng pagkakataong makilala ang iba pang lugar sa Pilipinas.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page