top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Inismol pa raw ng maangas na kostumer… Igan, tagahugas ng pinggan bago naging news anchor

  • Erlinda Rapadas
  • Nov 28, 2019
  • 1 min read

Bonggang-bongga at maraming sorpresa ang programang Unang Hirit bilang bahagi ng 20th anniversary ng longest-running morning show ng bansa.

Sina Arnold Clavio, Suzi Entrata at Lhar Santiago ang tatlong orihinal na hosts ng show hanggang sa nadagdag na ang iba pa.

Si Mickey Ferriols ay isa rin sa mga unang naging bahagi ng UH, ganu’n din sina Dina Bonnevie, Diana Zubiri at Sunshine Dizon.

Ang Miss Universe first runner-up na si Miriam Quiambao ay naging host din noon ng UH at ganu’n din si Ryan Agoncillo.

Habang nagtatagal ang UH sa ere ay nadaragdagan din ang mga hosts nito tulad nina Lyn Ching-Pascual, Con­nie Sison, Ivan Mayrina, Susan Enriquez, at Rhea San­tos (na nag-resign na recently at pinalitan ni Mariz Umali).

Bahagi rin ng UH sina Atty. Gaby Concepcion, Win­nie Monsod, Nathaniel Cruz, Luane Dy, Joyce Pring at Juancho Triviño, Boobay at Love Añover. Kasama na rin ang UH kids na sina Yuan Francisco, Angelica Ulip at Leanne Bautista.

Sa mediacon ng UH, bu­mati sa mga dating kasama­han si Rhea na nasa Canada na ngayon.

At dahil 20 years na ang Unang Hirit, bongga ang kanilang ipamimigay na regalo sa mga suking viewers katulad ng Led TV, washing machine, gadgets, negosyo package, appliances, furniture, at isang brand new house and lot!

Hanggang Dec. 6 ang UH anniversary.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page