top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Gay comedian, inilaglag sa show, rumesbak… Vice at it's showtime, tinawag ni Ate Gay na napakaba

Ador Saluta
Nov 28, 2019
1 min read

Ayaw nang patulan pa ni Vice Ganda ang mga emote ni Gil Morales a.k.a. Ate Gay, na isang comedy bar stand-up comedian, sa kanyang Facebook account tungkol sa sinabi umano ng Unkabogable Star kung bakit siya nawala sa line-up ng TNT Celebrity Edition nitong October.

Nag-ugat ang biruan nu’ng kinaka­usap ni Vice ang isang TNT resbaker na kamukha ni Ate Gay, kung saan sinabi ng gay host ang dahilan kaya ‘di siya napasali sa line-up ng TNT celebrity contestants.

Bagama’t hindi tuwirang binanggit ni Ate Gay ang pangalan ni Vice, aniya’y hindi tama ang sinabi nito tungkol sa kanya sa live telecast ng It’s Showtime.

Sa comments’ section, may ilang netizens ang nag­sabing kalimutan na lang niya ang isyu dahil masisira lang ang kanyang araw.

Sagot ni Ate Gay: “Napakabastos nila. Paano nila nasasabing panay ang reklamo ko sa FB o social media, eh, sila naman ang may kagagawan like pinaasa nila ako, pinagod, pinuyat. Na isang simpleng sori o sensiya na ay ok lang naman sa akin.

“Kaya lang, salungat ang pinagsasasabi sa TV. Asan na ang hustisya? Jusko po, patawarin Mo po sila, haaaaay.”

Noong October 18, nilinaw ni Ate Gay na ‘fake news’ ang kumakalat na impormasyong siya ang tumang­ging sumalang sa TNT Celebrity Edition dahil sa isyung may kinalaman sa talent fee.

Hanggang sa kasalukuyan ay walang opisyal na pa­hayag ang pamunuan ng It’s Showtime hinggil sa pag­lalabas ng sama ng loob ni Ate Gay sa social media.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page