Saging na pangit sa labas, maganda sa loob, sign na ‘wag agad magpapaloko sa unang tingin
- Socrates Magnus
- Nov 27, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Armeli ng Armeli_Unay@facebook. com
Dear Professor, Nanaginip ako kanina ng napakaraming pinitas na saging at masyado nang hinog. Pero nang buksan ko ay ang gaganda ng laman. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay, Armeli
Sa iyo Armeli, Ayon sa iyong panaginip, gawin mong gabay sa buhay ang ilang kaalaman na nasa saging. Ang mensahe para sa iyo ay minsan, hindi totoo ang sinasabing “Beauty is in the eye of the beholder.” Ang sabi, ang ganda ng isang bagay ay nasa matang tumitingin, as in, ang mata ang magsasabi ng kung ano ang maganda, pero sa saging, ito ay mali.
Kapag nakakita ka ng makinis o magandang saging, ang saging na iyon ay hindi matamis. Kapag nakakita ka ng saging na hindi makinis, may itim o brown sa balat o pangit ang balat, ang saging na iyon ay matamis.
Sa ganitong katotohanan, madaraya ang mga mata dahil ang maganda sa paningin ay hindi naman pala masarap kainin.
Muli, gawin mong gabay ito sa iyong buhay na huwag ka agad maniniwala sa iyong nakikita, kumbaga, isabuhay mo ang sinasabing “True beauty comes from within.”
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments