top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

PHL tinalo ang Malaysia sa Polo event; Floorball, kinapos

Gerard Arce
Nov 27, 2019
2 min read

Malaking panalo ang kinuha ng Philippine National Polo Team sa 30th SEAG nang talunin nito ang defending champion na Malaysia sa iskor na 8.5-5, kahapon, Martes, sa pagpapatuloy ng elimination round ng 4-6 goals mixed event sa Inigo Zobel Polo Facility sa Calatagan Batangas,.

Dinaig nina team captain Thomas Vicente Bitong, Stefano Juban, Eduardo Miguel Lopez at Gus Aguirre ang pwersa ng Malaysian champs nina Amran Selamat, Shazril Ezzani Sulaiman, Rashid Hasnan, at Sayed Mohd Syed Ahmad Saipulrudin. Sunod na makakalaban ng PHL team ang Indonesia sa Huwebes habang sunod na makakatapat ng Malaysia ang undefeated na Brunei team na nauna ng nagwagi laban sa Indonesia via 7-4 sa qualifying round.

Samantala, hindi nagawang mag-init ng maaga ang koponan ng women’s National matapos kapusin laban sa koponan ng Thailand via 3-6 iskor, kahapon sa pagpapatuloy ng preliminary rounds ng Floorball event sa UP College of Human Kinetics Gym sa Q.C.

Pinangunahan ni Nelly Johansson ang balanseng atake ng 2017 SEAG silver medalist na Thailand sa kanyang 2 goals sa 1:59th minute ng 1st period at 46:36 minute ng 3rd period kasama ang mga kakamping sina Aliisa Syrjaenen, Soraya Klinsrisuk, Lalita Kuiraphanew at Thanaporn Tongham.

Iniangat rin ng Thais ang kanilang standing sa 2-0 win-loss card katabla ang Singapore na nagwagi laban sa winless na Malaysia via 8-2 sa pamumuno ni Amanda Yeap na may 2 goals.

Huli na nang mag-init ang Pinay Floorballers nang kumonekta sina Michelle Jennifer Lindahl sa 52:32 at Michelle Cruzado sa 57:39 ng 3rd period. Nararamdaman ng Pinay Floorballers ang kawalan ni team captain Jade Rivera na bumanat ng 5 point goal noong unang panalo nila laban sa Indonesia noong Lunes. “Medyo naunahan tayo ng Thais sa opensa, but we tried to make shots kaso nabo-block lang. Late na rin nu’ng gumana ‘yung offense ng mga bata, but were still confident that we can make a lot better coming on next games, “ pahayag ni Philippine Floorball president Ralph Andrew Ramos.

Sunod na makakatapat ng Pinay Floorballers ang ang defending champion na Singapore sa Huwebes ng 1 p.m.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page