top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Myanmar next sa Azkals; PHL tabla, 1-1 sa Cambodia

A. Servinio / Gerard Arce
Nov 27, 2019
1 min read

Photo: Mark Balmores/Tempo

Gumawa ng milagro ang Young Azkals upang maisalba ang 1-1 na tabla kontra Cambodia sa simula ng kanilang kampanya sa 30th Southeast Asian Games kahapon. Pinasok ni substitute Dennis Chung ang bola sa ika-93 na minuto galing sa eksaktong pasa ni Yrick Gallantes at nagbunyi ang tinatayang 3,000 manonood sa Rizal Memorial Stadium.

Unang binutas ni Keo Sokpheng ang goal sa ika-41 minuto sa malapitang sipa na naisahan si Azkals goalkeeper Anthony Pinthus. Dahil dito, napilitan maglaro ng mas agresibo ang Pilipinas sa second half at tuluyang nagbunga ito matapos palitan ni Chung, isang 18-anyos na tuklas galing Alemanya, si Dylan de Bruycker sa ika-85 na minuto. Ipinamalas ni Stephan Schrock ang kalidad sa buong laro bilang beterano ng koponan at siya rin ang pasimuno ng goal ni Chung. ”Schrock is very important, he is like an elder brother on the team and he is one of the best in Asia,” pahayag ni Coach Goran Milojevic.

Susubukan ng Young Azkals na maitala ang unang panalo sa pagharap nila ng 2017 semifinalist Myanmar ngayong Miyerkules simula ng 4 p.m. sa Rizal Memorial. ”I expect the team to play better, now they know the level of the opposition,” dagdag ni team manager Dan Palami. Bubuksan ng Timor Leste ang kampanya kontra Cambodia ng 8 p.m.. Ang Malaysia ay may liban sa araw na iyon.

Nasayang ang pagkakataon ng Azkals na maagaw ang unang pwesto sa Grupo A matapos magtabla din ang Malaysia at Mynmar sa pambungad na laro, 1-1. Samantala sa Grupo B, tinambakan ng Vietnam ang Brunei sa Biñan Football Stadium, 6-0.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page