top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Relasyon sa anak niyang si Sam, pinagpipiyestahan… Sunshine, kinumpirmang nagpupunta sa bahay nila s

  • Vinia Vivar
  • Nov 26, 2019
  • 1 min read

Ayon kay Sunshine Cruz, talagang hinding-hindi niya mapapayagang api-apihin ang kanyang mga anak, na of course ay normal naman talaga sa isang ina.

“Bilang magulang naman talaga, tayo na lang ang i-bash. Ako, kahit ano’ng sabihin tungkol sa akin, tanggap ko naman ‘yun, eh, kasi artista naman ako at saka expected na ‘yun, sa artista na naba-bash,” sey ni Shine nang makatsikahan namin recently sa presscon ng pelikula niyang The Heiress with Maricel Soriano.

“Pero ‘yung anak ko, estudyante ‘yan, eh, ‘di naman artista ‘yan. So, masakit para sa akin, especially I know na wala naman talagang ginagawa,” dagdag pa ng aktres.

Kamakailan kasi ay na-bash ang pangalawa nilang anak ni Cesar Montano na si Samantha dahil nauugnay ito sa young actor na si Kyle Echarri. Kaya hindi na­ka­pagpigil si Sunshine at sinagut-sagot ang mga bashers.

Ayon kay Sunshine, sina Kyle at Sam ay barkada lang talaga at hindi totoo ang bintang ng mga bashers na may relasyon ang mga ito.

“As in, they’re friends. Sina Lorin (Bektas, anak ni Ruffa Gutierrez), Kyle, Leon Barretto (anak nina Mar­jorie Barretto and Dennis Padilla), mayroon silang grupo talaga. They go out.

“Minsan, nasa bahay pa nga ‘yang mga ‘yan, mag­kakasama. So, wala talaga. Hello, 15 ‘yung anak ko, baby pa ‘yun. Katabi ko pa matulog ‘yun,” anang aktres.

Kahit sino pa raw ang i-bash sa kanyang mga anak ay magiging apektado siya bilang ina at nandito raw siya parati para protektahan, ipagtanggol at suportahan ang mga ito.

Samantala, nagbabalik-horror film si Sunshine sa pelikulang The Heiress na showing na ngayong Wednesday, Nov. 27, mula sa direksiyon ni Frasco Mortiz.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page