top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

P30.5 milyon, nakolekta ng SSS sa mga pasaway na employer

  • Thea Janica Teh
  • Nov 26, 2019
  • 2 min read

Bulgarific

Hello, Bulgarians!

Halos Php30.5 milyon contribution delinquen­cies ang nakolekta ng So­cial Security System (SSS) mula sa 71 employers na na­bigyan ng assessment notice.

Ibinahagi ni SSS Presi­dent and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio na nagbayad ang mga employer matapos itong bigyan ng Preliminary Assessment Notice (PAN) at Final Assess­ment Notice before Seizure (FANS) mula sa ilalim ng Warrants of Distraint, Levy and Garnishment (WDLG).

“Ito ay initial amount pa lamang dahil mayroon pang 93 employers ang hindi pa nakapagbibigay ng contribution delinquencies na may kabuuang, Php200 milyon.”

Ang assessment notice ay isa lamang sa mga initial procedure na isinasagawa ng SSS sa ilalim ng WDLG. Sa programang ito, binibigyan ng pagkakataong makapamili ang employer kung paano sila makapagbabayad tulad ng pagbabayad ng delinquencies sa pamamagitan ng installment payment scheme o mag-request ng reconsideration o reconciliation. Kung wala sa mga ito, ang ginawa ng employer ay mapapasailalim na sa WDLG.

Noong Sep­tem­ber 2019, 2 delin­quent/non-com­pliant employers ang nabigyan ng warrant execution dahil sa total delin­quen­cy nitong Php2.91 mil­yon.

“Itinuturing na­ming partner ang mga em­plo­yers sa pagbibigay ng social security pro­tection sa mga private-sector workers. Kaya naman, pinayagan na­tin ang mga employers na maayos ang kani­lang delinquencies mula March hanggang September ngayong taon sa ilalim ng Social Security Act of 2018 at inalok na gamitin ang Contribution Penalty Con­donation Program (CPCP) ngunit, hindi pa rin nila ito natupad,” ba­hagi ni Ignacio.

Kaya naman, pinaaalalahanan ng SSS ang mga employer na makapagbayad na ng kanilang delinquencies at sundin ang mga patakaran dahil obligasyon nila ito para sa kanilang mga empleyado.

Bukod sa WDLG, nagkaroon din ng Run After Contribution Evaders (RACE) campaign laban sa mga employer na may warrant of arrest mula sa korte.

Sa ngayon, 14 na ang nabigyan ng warrant of arrests at 29 RACE operations na ang naganap sa buong bansa sa pakikipagtulungan ng SSS sa Philippine National Police.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page