top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nauna pa sa anak na si Daniel… Karla, binitbit na ang BF sa bayan niya sa Antique

  • Julie Bonifacio
  • Nov 26, 2019
  • 2 min read

Photo: @karlaestrada1121

Binalikan ni Karla Estrada ang probinsiya ng Antique after 30 years. Dito kasi lumaki ang ina ni Teen King Daniel Padilla. Kaya naman, isang bonggang homecoming ang ibinigay ng kanyang dating eskuwelahan, ang Antique National School (ANS), kasama ang kanyang mga co-hosts sa Kapamilya morning show na Magandang Buhay na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Hindi makapaniwala si Karla na ma­kakabalik siya ng Antique pagkata­pos ng tatlong dekada.

“Kailanman ay hindi ko makakali­mutan ang Antique, lalung-lalo na ang An­tique National School. Dito ako nag-umpisa ng aking pangarap,” pahayag ni Karla ha­bang suot ang pulang gown, ko­rona at kapa kung saan nanalo siya bilang 1990 Miss ANS.

Dahil d’yan, nasabi tuloy ni Karla na balang-araw ay isasama niya si Daniel sa Antique na ikinasaya siyempre ng mga fans ng Teen King sa nabanggti na lugar.

Bilang pagkilala sa karangalang ini­hatid ni Karla para sa mga kababayan ni­ya, binigyan siya ng isang plaque of re­cognition dahil nagsilbi siyang ins­pi­rasyon sa milyun-milyong Pilipino sa pa­mamagitan ng Magandang Buhay.

“Sobrang saya ko and I’m very grateful na after so many years na hindi ako nakauwi, na-recognize n’yo pa rin ako,” aniya. “Hinding-hindi ko ma­ka­kalimutan ang buhay ko rito sa Antique, at siyempre, sa eskuwelahang ito na nagbigay talaga sa akin ng isa sa mga katuparan ng aking pangarap,” kasu­nod ang pag-iyak ni Karla.

Nagbigay din ng mensahe si Karla para sa mga estud­yante ng ANS.

“Sa mga estudyante na nandito ngayon, gusto ko na mag­silbi itong inspirasyon. Mangarap kayo at ‘wag ninyong ka­kalimutan kung saan kayo nanggaling.”

Kasabay ng pagpunta niya at ng Ma­gandang Buhay staff sa Antique ang pag­se-celebrate ni Karla ng kanyang birthday. At bilang maagang Pamasko sa kanyang da­ting eskuwelahan, nag-donate si Karla ng mga computers.

Ganu’n ka-generous si Queen Mother. And sa true lang, kahit bagong classroom ay kering-keri pa rin ni Karla na regaluhan ang kanyang alma mater.

Anyway, pansin na pansin din ng audience during her trip at episode ng Magandang Buhay sa Antique ang appearance ng boyfriend ni Queen Mother, huh?

Why not? Birthday celebration episode naman kasi ‘yun for Queen Mother, kaya dapat lang na kasama niya ang kanyang bagong inspirasyon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page