Kahit ilang beses nang nasaktan… Angelica at Bea, kumanta kung bakit 'di nadadala sa lalaki
- Ronalyn Seminiano
- Nov 26, 2019
- 3 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Nakakalokah ang interview ng Unkabogable Star na si Vice Ganda with Bea Alonzo and Angelica Panganiban sa show niyang Gandang Gabi Vice last Sunday. Tila may pahaging ang dalawang magagandang aktres sa past relationship nila.
Kinumusta ni Vice ang dalawa at si Angelica ang una niyang tinanong ng bagay na napunta sa hugot. Napansin daw kasi ni Vice na nawiwili si Angelica sa mangga.
Ani Angelica with matching “hugoats”, “Alam mo kasi, paborito ko talaga ‘yung mangga dati tapos ngayon, ‘pag nakikita ko tuloy, sumasama ‘yung loob ko habang kinakain ko.”
Tanong naman ni Vice na tipong ipinapaalala kay Angelica ang past nito with Carlo Aquino, “‘Yung asim, naging pait, ano?”
Buweltang sagot naman ni Angge, “Hindi na… hindi!”
Nang matanong ni Vice kung ano’ng prutas na lang ang nilu-look forward nitong matikman, ani Angge, “Ano na lang, saging para marami, isang piling ‘di ba?”
Hugot naman ni Vice, “Oo, bakit ka magse-settle sa isa kung puwede namang isang piling?”
Baling ni Vice kay Bea, “Ano, kumusta ka na? Katatapos lang ng Halloween.”
We all know naman na umugong ang term na “ghosting” nang bigla na lang iniwan ni Gerald Anderson si Bea sa ere.
Sagot ni Bea, “Oo nga, eh.”
Tanong ulit ni Vice, “Oh, may nagmulto ba?”
Mabilis namang sagot ni Bea, “Wala na. Tapos na tayo sa multo, wala na ‘kong kinakatakutang multo ngayon.”
Biro pa ni Vice, “Kasi nu’ng Halloween talaga, sabi ko ‘Natatakot ako para kay Bea.’ Kasi Halloween, sabi ko, ‘Naku, matatakutin ‘to lately sa multo, baka makakita ng ghost.”
Napansin din ni Vice na maganda na uli ang ngiti ni Bea.
“Parang wala ka nang nakikitang ghost kasi lagi kang naka-smile. Parang clown na ang nakikita mo lately.”
Kung si Angge raw ay from mangga to banana, tinanong ni Vice si Bea kung from ghost ay to what naman daw ang sa aktres.
Ani Bea, “Wala na… ano na, liwanag na ‘yung nakikita ko. Ang tagal kong nasa dilim, eh.”
Habang sinasabi ‘yun ni Bea, kapansin-pansin ang pagiging teary-eyed niya kaya niyakap siya ni Vice.
Nabanggit din ni Vice na napakaraming babae these days ang nakararanas ng same thing na pinagdaanan nina Bea at Angelica na ginawang inspirasyon ang dalawang magandang aktres.
Sabi ni Angelica, “Alam mo, minsan ‘yung mga pains na pinagdaanan mo, ‘yung mga hardships, mari-realize mo na lang kung bakit mo rin siya kailangang pagdaanan and bakit kailangang makita ‘to ng public kasi may mga tao ka palang nai-inspire na parang, ‘Ah, kahit sila, mga artista, ganito rin pala ‘yung nararamdaman nila, katulad lang din ng nararamdaman ng mga tao.’”
Dugtong naman ni Bea, “That’s true, ah. Saka, like… isa siguro ‘ko sa mga tao na hindi ko sinasabi lagi ‘yung nararamdaman ko, but when you free yourself of that… ‘yung void, kahit papaano, meron kang natutulungan. Kahit paano, meron palang tutulong din sa ‘yo, merong magko-console sa ‘yo, tapos it feels so much better na feeling mo, ‘di ka nag-iisa.”
Pagsang-ayon naman ni Vice sa dalawang aktres, “At saka, hindi nakaka…tulad nu’ng mga ginawa ninyo, hindi ninyo ikinahiya na aminin na nadapa kayo. ‘Di ba ‘yung ibang tao, hindi aaminin ‘yun na ‘Nadapa ako,’ ‘Nagkamali ako,’ ‘di ba? Ang ipapakita lang nila, ‘yung maganda, ‘yung strength lang, pero ‘yung weaknesses, itinatago. Pero kayong dalawa, open kayo at ina-acknowledge n’yo na may mga weaknesses kayo.”
Banat naman ni Bea, “Saka na-realize ko (sabay taas ng kilay and cute rising and falling intonation), dapat sila… ‘yung mahiya, hindi kami!” sabay tawa.
Take note, ‘sila’, na obvious namang patama kina Gerald at Julia Barretto na umano’y dahilan ng breakup ng una kay Bea.
Samantala, natanong din ni Vice sina Bea at Angelica kung bakit kailangan pa ring maniwala sa love kahit na maraming sakit na ang naranasan.
Sagot ni Angelica, “Kasi ‘yung pag-ibig ‘yung bubuhay sa ‘yo, eh. It’s not necessarily na sa lalaki mo siya ibibigay. Pero ‘yung pag-ibig, puwede mo siyang i-share sa kahit na sino, sa pamilya mo, sa mga kaibigan mo, sa mga taong nagbibigay sa ‘yo ng inspirasyon.
“Kapag nawala ‘yung love sa ‘yo, paano mo pa kakayaning mag-exist sa mundong ito?”
Sagot naman ni Bea, “Saka you’re supposed to be loved. And parang feeling ko, wala ring point kung mabuhay nang walang pagmamahal. Parang nadapa ka man, may dahilan ‘yun. ‘Di ba, sabi nga nila, everything happens for a reason. So siguro, inihahanda ka lang para sa tamang tao, sa tamang panahon.”





Comments