Chiz, laging nakahawak sa tiyan ng misis… Heart, pinagpipiyestahang buntis na uli
- Janice DS Navida
- Nov 26, 2019
- 1 min read

Maraming followers ni Heart Evangelista ang nagtatanong kung buntis na ba uli ang Kapuso actress dahil sa dalawang pictures nila ng mister na si Sorsogon Gov. Chiz Escudero sa Instagram kung saan mapapansing kakaiba ang pagkakahawak ni Chiz sa tiyan ni Heart.
Sa picture kung saan nakakandong si Heart kay Chiz at nakahawak ang mister sa tiyan niya, parang medyo may baby bump nga ang aktres.
Pero dahil sa unang miscarriage ni Heart, baka naman they’re just taking their time kung totoong buntis na uli ang aktres bago ito aminin sa publiko. Mahirap nga naman ‘yung maudlot na naman.





Comments