top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Chance the racer, hari sa Don Juan Derby

  • Ding Taboy
  • Nov 26, 2019
  • 1 min read

RENDA at LATIGO

Nagwagi sa naka­raang Klub Don Juan De Manila Racing Festival ang Chance the Racer at Ha­lushka sa Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI) Malvar, Batangas noong Linggo.

Nanalo ng may 5 ka­bayo ang layo ang Chance the Racer at pumanga­la­wang Shanghai Grey sa ka­tatapos na Don Juan Der­by sa distansiyang 2,000 me­ters.

Sa umpisa ng karera na­ging pukpukan ang laban ng dalawang mananakbo hang­gang sumuko sa laban ang Shanghai Grey na ini­wan ni Chance the Racer nang ta­wirin ang finish line.

Tumanggap ng P900,000 bilang kampeon ang Chance the Racer at napunta ang P337,500 sa 2nd place na Shanghai Grey.

Samantalang mag-uuwi ng P187,500 si Joyous So­lution bilang 3rd placer at pagkakalooban ng P75,000 ang Und Kantar bilang 4th placer.

Samantala nagwagi ang Halushka sa katatapos na KDJM Magic Millions Aus­tralia Stakes Race laban sa pumangalawang Garanti­sado.

Sa umpisa ng karera agad kinuha ni Halushka ang unahan habang puma­ngalawa ang Hidden Light, nakasunod ang Ginuhit ng Tadhana at Garantisado.

Pagsapit sa huling kur­bada ay nagpalakas ang mga kalaban habang papalapit sa finish line.

Nagbakasakali na ma­silat ang nanalong Halushka ng dumikit ang kabayong Garantisado ng kalahating kabayo ang layo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page