PHISGOC, nag-sorry sa arrival ng SEAG delegates

Photo: 2019 Sea Games
Humingi nang paumanhin ang pamunuan at organizers ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) hinggil sa hindi naging magandang karanasan ng football delegations mula Timor-Leste, Myanmar at Cambodia pagdating sa transportasyon at akomodasyon ng mga ito paglapag ng bansa noong Sabado.
Inulan ng batikos at reklamo ang mga organizers sa naging karanasan ng mga foreign football teams sa abala at kalituhan na kanilang nalasap, sapul nang dumating ito sa airport at matagal na pag-aantay sa transportasyon patungong hotel hanggang sa pagsasa-ayos ng tutuluyan ng mga ito.
Dahil dito, ang mga koponan ng Myanmar at Thailand ay hindi nagawang makapag-ensayo dahil sa delays at distansiya ng hotel sa training area. Bukod dito, may mga naglabasan ring kuha ng litrato na natutulog ang koponan ng Cambodia sa sahig o carpet ng tinutuluyang hotel, habang ang iba ay pinagdikit-dikit ang upuan upang doon mahiga. “We sincerely apologize to our athlete guests from Timor-Leste, Myanmar and Cambodia for the inconvenience caused to them by the confusion regarding their transportation and hotel arrangements,” ayon sa statement ng PHISGOC. “While PHISGOC strives to ensure proper coordination of the arrival details, airport welcome and transportation provisions of all international teams to their respective assigned hotels, we acknowledge our shortcomings in this particular incident and vow to do better,” dagdag nito.
Ipinaliwanag din sa statement na nagkaroon ng kalituhan sa panig ng Timor-Leste dahil ang ibang miyembro nito ay dinala sa Century Hotel, ngunit dapat ay dinala ito sa mas malapit na Hotel Jen. Nagkaroon naman ng pagbabago sa pagdating ng Cambodian team sa bansa na huli ng naipahatid sa PHISGOC Games Services Department. Mas napaaga ang dating ng mga ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng 4:00 a.m., samantalang hindi pa nakahanda ang mga kuwartong gagamitin nito, bagkus ay pinapuwesto muna sila sa isang air-conditioned na conference room para roon maghintay pansamantala.
Sinabi rin dito na umabot ng 75 international arrivals mula sa iba’t ibang delegasyon, technical officials at kinatawan mula sa National Olympic Committee nang dumating ng wala namang naging sagabal o problema. “While we are pleased to report that in the past two days there have been 75 international arrivals, consisting of various sports team delegations, technical officials and representatives of the respective National Olympic Committees, that have gone off without a hitch, the incident with the two teams remain a constant reminder for us as organizers to be more diligent. We owe it to our guests and our countrymen.”





Comments