top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Nominado bilang Best Supporting Actress… Max, 'di makapaniwalang ka-level na nina Nova Villa, Su

Vinia Vivar
Nov 25, 2019
2 min read

Si Pancho Magno ang mas excited sa nomination ng kanyang asawang si Max Collins sa 37th Luna Awards. Nominated ang aktres as Best Supporting Actress for Citizen Jake.

Nang nakausap namin silang mag-asawa sa ginanap na Nominees’ Night ng naturang award-giving body, sey ng aktor, sobrang proud siya sa kanyang misis.

“Supportive husband,” natutuwang sambit ni Max.

“Ako, happy na ako na may asawa ako na maraming awards,” masayang wika pa ni Pancho.

Bilang lumaki rin sa industry dahil anak siya ng GMA-7 executive na si Redgie Magno, ani Pancho ay movie geek talaga siya, noon pa.

“So, I know the directors, movies, I know the background doing the movie, editing and getting the right ensemble ng cast,” sey pa ni Pancho.

Gandang-ganda raw siya sa Citizen Jake pati na sa acting ng kanyang misis at para nga raw naging fan siya ni Max because of this.

“Sabi ko nga, grabe ‘tong movie na ‘to, ‘yung Citizen Jake, ‘yung pagka-political pero kung paano niya nai-deliver ‘yung character, parang naging fan ako na parang hindi siya (Max) ang nakita ko, alam mo ‘yun?” papuri pa ni Pancho sa asawa.

Matatandaang si Max din ang hinirang na Best Supporting Actress ng The EDDY’s para sa nasabing pelikula. Bukod dito ay katakut-takot din ang nominasyon niya para sa nasabing kategorya for the same movie sa mga award-giving bodies this year.

For the nth time, Max feels honored to be nominated again kasama ang magagaling ding aktres.

“Honored lang ako to be nominated alongside Miss Nova Villa, Sunshine Dizon, Miss Aiko Me­lendez, so, siyempre, parang hindi ako maka­paniwala pero thankful ako na na­ging part ako ng Luna Awards, my gosh!” bulalas pa ni Max.

Parang feeling nga raw niya ay nanalo na siya nang makahilera ng mga co-nominees niya.

“Just the fact that I am in the same category with all of them makes me feel like a winner,” she said.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page