top of page

Kaya hindi dapat patayin, besh... Langgam, hindi lang suwerte ang hatid, pamatay din ng mikrobyo sa

  • Sr. Socrates Magnus II
  • Nov 25, 2019
  • 3 min read

Bigyang-daan natin ang ilang kaalaman na may kaugnayan sa paglabas ng mga langgam ngayong malapit na ang kapaskuhan. Kapansin-pansing naglalabasan ang mga langgam ngayon kaya hindi maiwasan ng ilan na nagsasabi na tularan ang langgam dahil nag-iipon sila ng pagkain para sa tag-ulan. Kaya lang, sa mga araw na ito ay hindi naman tag-ulan, pero makikitang napakaraming langgam sa mga bahay.

Gayundin, masasabi natin na kapag papalapit na ang taglamig, ang mga langgam ay nag-iipon ng mga pagkain. Pero ang totoo, kahit anong araw o panahon, nakaugalian na ng mga langgam ang mag-ipon. Ibig sabihin, tag-ulan o tag-araw, tag-init o taglamig man, ang langgam ay nag-iimbak ng kanilang pagkain.

Sinasabing masuwerte ang bahay na may langgam dahil ang nakatira sa bahay na ‘yun ay magkakaroon ng magandang buhay at matamis na kapalaran. Pero ang taong makikitang may mga langgam sa katawan ay binabalaan na siya ay maaaring magkasakit kaya ang payo ay dapat siyang magpatingin sa doktor, lalo na kapag nakita sa kanyang ihi na pinagkakaguluhan ng mga langgam.

Kapag ang langgam ay nakita sa ibabaw ng hapag-kainan, huwag silang alisin o patayin at hayaan lang sila na makakain bilang pagsunod sa sinabi ni Lord Buddha na “be kind to animal.” At kapag nagawa ito, ang pahabol ni Buddha ay pagpapalain ang mga taong nagsabuhay ng kanyang sinabi.

Gayunman, sa oras na kailangan nang linisin ang hapag-kainan, puwede nang itaboy ang mga langgam, kumbaga, hindi sila dapat patayin kundi kailangan lang itaboy. Kapag ito ay nasunod ng tao, para na rin silang nabendisyunan ni Lord Buddha kung saan lihim silang nakatanggap ng mga salitang “Buddha bless you!” na katumbas ng “God bless you!” Masakit ang kagat ng langgam kaya hindi maiwasan na sila ay mapatay sa ganitong sitwasyon at okey din na sila ay mapatay dahil ang biglaang reaksiyon ng tao kapag may kumagat sa kanyang balat, langgam man o lamok ay kanyang sasampalin o papaluin. Kapag ang bahay ay may bahay ng langgam, susuwertehin ang mga nakatira kaya ipinapayo sa mga ito na makipagsapalaran sa sugal.

Ang bahay ng langgam ay pangkaraniwang maliit na bundok na nasa isang lugar sa bakuran at ito ang tinatawag na punso sa probinsiya. Minsan, nakatira sa punso ang mga anay at langgam. May mga punso na walang nakatira na mga anay o langgam, pero ang punsong ito ay dating bahay ng mga anay o langgam na kaya inabandona ay dahil namatay ang kanilang reyna.

May bahay din ng langgam sa bahay ng tao, pero ito ay hindi punso. Binabahayan ng mga langgam ang mga singit sa semento, lupa ng mga halaman at malalamig na lugar, sa ilalim ng kusina at maging sa loob ng CR. Minsan, sila rin ay nasa loob ng mga kagamitan na matagal nang hindi nagagamit at minsan, sila rin ay nakatira sa mga damit na nasa cabinet.

Itinuturing silang mga peste, pero ang mga langgam ay hindi naman talaga mga peste dahil hindi sila tulad ng ibang kulisap na mapanira o pinanggagalingan ng mga sakit. Ang mga langgam ay kalaban ng mga mikrobyo na dahilan ng mga sakit ng tao. Likas na taglay nila ang isang kemikal na pamatay ng mikrobyo — ang formalin.

Kaya ang bahay na maraming langgam ay pinaniniwalaang may proteksiyon laban sa mga mikrobyong sanhi ng maraming sakit ng tao. Nakatutuwang isipin na “an ant in a house is a lucky thing, if not, it is a lucky charm.”

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page