Kahit ‘di kasama sina Gretchen at Claudine… Mommy Inday, join sa pamilya ni Marjorie sa ika-40 days
- Nitz Miralles
- Nov 25, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Photo: @danibarretto
Sa Instagram Story ng anak ni Marjorie Barretto na si Dani Barretto, naka-post ang commemoration ng Barretto family sa ika-40 days ng pagpanaw ng Barretto patriarch at mister ni Inday Barretto na si Miguel. Dinalaw nila ang tomb ng lolo nila at nagpalipad ng white balloons.
Naka-tag ang Barretto family members sa photos na nasa IG story ni Dani at kapansin-pansing wala sina Gretchen at Claudine Barretto.
Ibig kayang sabihin nito, may sariling commemoration sa ika-40 days ng dad nila sina Gretchen at Claudine? So, abangan natin kung kailan ‘yun?





Comments