Ipinagtatanggol ng may edad na lalaki, sign na hindi iniiwan ni Lord kaya hindi matatalo ng nega
- Socrates Magnus
- Nov 25, 2019
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Cath ng Catherine_Tamayo@face-book.com
Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko? May kasama akong lalaki na may edad na at nasa warehouse kami at may tinatakasan kaming masasamang tao. Gayundin, nakikipaglaban kami sa kanila para sa aming buhay dahil balak nila kaming patayin at para makaalis kami sa lugar na ‘yun, nakipagsuntukan ‘yung lalaki habang nagtatago ako.
Naghihintay, Cath
Sa iyo Cath, Naalala mo ba ‘yung sumikat na awiting “The Footprints in the Sand”? Hindi ba, ang sabi, ‘yung mga nakikitang footprints ay kay Lord pala at hindi sa tao? Kaya si Lord ang bumubuhat sa tao at Siya ay naglalakad sa buhangin kaya ang footprints na nakikita ay sa Kanya.
Buhat-buhat niya ang tao kasi nahihirapan at pagod dahil siya ay likas na mahina at kailangan niya si Lord para mabuhay nang maayos at masaya.
Sa panaginip mo, ang lalaking nakikipaglaban sa masasamang tao na gusto kayong patayin ay walang iba kundi ang iyong Panginoon. Siya mismo ang nakikipaglaban para sa iyo.
Tulad sa nasabing awit, sa aminin mo man o hindi, napapagod at nahihirapan ka na at para bang nawawalan ka na ng pag-asa kaya sa iyong panaginip ay ipinaglalaban ka ng lalaki na muli ay mismong si Lord.
Kaya huwag kang mawalan ng pag-asa, keep on hoping and praying dahil hindi ka iniiwan ni Lord. Hindi mananaig sa iyo ang kahirapan dahil si Lord ay palaging nasa tabi mo.
Hindi ka tatalunin ng mga negatibong puwersa at lalong hindi mananalo sa iyo ang fruits of evil dahil ang kanilang makababangga ay si Lord mismo.
Muli, Cath, keep on hoping and praying, hold on to the Lord dahil Siya ang iyong tagapagtanggol.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments