Deontay Wilder vs. Luis Ortiz 2: Ortiz pinabagsak.. Wilder pantay na kay Ali

Pinatumba ni Deontay "The Bronze Bomber" Wilder si Luis "King Kong" Ortiz sa ikapitong round ng kanilang bakbakan noong Sabado ng gabi sa MGM Grand Garden Arena Las Vegas.
Sa pagkapanalong ito ni Wilder pumantay na sya kay Legendary boxer Muhammad Ali na may 10 sunod-sunod na panalo sa pagdepensa ng kanilang heavyweight title.
Tuluyang tinapos ni Wilder si Ortiz sa pamamagitan ng isang left jab at sinundan ng isang matinding right straight sa mukha na dahilan upang mapatumba si Ortiz at mabilangan ng knockout. Dito muling pinatunayan ni Wilder ang sinabi nyang "My opponent has to be perfect for 12 rounds, and I only have to be perfect for one second".





Comments