top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Ang bilis daw ng GF mo, Dennis… Coco, shocked na si Jennylyn pa ang humalik sa kanya

Beth Gelena
Nov 25, 2019
1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

'Kaaliw ang trailer ng MMFF entry nina Coco Martin at Jennylyn Mer­cado na 3Pol Trobol Huli Ka Bal­bon. Hindi pahuhuli ang kanilang movie sa sinasabing magna-No. 1 sa MMFF kung katatawanan ang pag-uusapan.

Maganda ang casting ng movie. Nan­diyan sina Ai Ai delas Alas, Joey Marquez na mga effective comedians.

Kumpletos rekados ang 3Pol Trobol, may katatawanan, aksiyon at drama. May che­mistry din ang tambalang Coco at Jennylyn.

Bale pang-apat na taon nang sumasali si Coco sa MMFF. Una ay ang magkasama sila ni Vice Ganda. Pangalawa ay ang solo niyang Panday at last year ay ang pinagsamahan ni­la nina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza.

Marami ang nakapansin na mukhang ang pinapa­boran daw ngayon ni Coco na maging leading lady niya ay mula sa bakuran ng Kapuso Network. Bakit daw hindi mga aktres mula sa home studio niya ang ki­nukuha niyang kapareha?

Bilib naman ang nga Kapusong nakakatrabaho ni Coco. Masyado raw hands-on ang aktor sa kanyang trabaho.

Anyway, napansin na­min na may kissing scene sina Coco at Jen sa movie. Obyus na kinilig si Coco dahil si Jen ang unang ku­milos para hali­kan siya. Halatang nabigla si Coco sa ginawa ng Kapuso actress.

Ani Coco, “Ma’am, masyado naman kayong mabilis, eh.”

Sagot ni Jen, “Ang tagal mo, eh.”

“Masyado kayong nagte-take advantage sa akin,” sambit uli ni Coco.

May mahalagang parte rin si Manila Mayor Isko Moreno sa 3Pol Trobol.

Ang dating leading man ni Jennylyn na si Sam Milby ay kasama rin sa movie bilang suporta na lang sa pelikula.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page