top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nabawasan ng 3 players ang Gins roster sa Gilas

  • VA
  • Nov 24, 2019
  • 1 min read

Hindi gaya ng inaasahan ng nakararami, hindi lahat ng anim na manlalaro ng Barangay Ginebra na isinama ni coach Tim Cone ay pasok sa line-up ng Gilas Pilipinas na sasabak sa 30th Southeast Asian Games. Sa anim, tatlo lamang ang nakasama sa final roster na inihayag noong Biyernes ng gabi.

Ang tatlong Gin Kings na nakasama sa final 12 ay sina LA Tenorio, Stanley Pringle at Japeth Aguilar habang natanggal sina Scottie Thompson, Art Dela Cruz at Greg Slaughter.

Una ng nawala sa listahan si Slaughter matapos nitong magtamo ng injury sa kanyang hinlalaki sa ensayo nila sa Ginebra.

Ang iba pang miyembro ng SEA Games bound Gilas squad ay sina June Mar Fajardo, Marcio Lassiter at Chris Ross ng San Miguel Beer, Troy Rosario at Roger Pogoy ng TNT, Christian Standhardinger ng NorthPort, Matthew Wright ng Phoenix, Vic Manuel ng Alaska at Kiefer Ravena ng NLEX. Ang binuong team na may misyong sungkitin ang ika-18 gold medal ng bansa sa men’s basketball ng SEA Games ang unang all-professional squad na maglalaro para sa Pilipinas sa regional meet.

Sa nasabing komposisyon naman ng mga manlalaro, ito rin ang unang pagkakataon para kina Ross at Manuel na maging bahagi ng National Team.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page