top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Fun run ng La Filipina, para sa Filipino sports team ang kikitain

  • Thea Janica Teh
  • Nov 24, 2019
  • 2 min read

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Ang no. 1 maker ng corned pork sa ‘Pinas na La Filipina ay magsasagawa ng kanilang first-ever fun run! Ito ay ang “Power Up Run” na gaganapin sa Fort Santiago sa Intramuros, Manila ngayong February 23, 2020!

Kilala ang La Filipina sa corned pork at luncheon meat products na punumpuno ng protein! Kaya sa tagline nilang “Power Up with La Filipina”, inaanyayahan nila ang lahat na simulan ang umaga sa pagkain ng mga pagkaing may protina tulad ng corned pork at luncheon meat ng La Filipina.

Bukod pa rito, mayroon ding milk ang kanilang mga produkto at hindi sila gumagamit ng extender at trans fat kaya healthy ito at maganda sa katawan. Paliwanag ni Ms. Danika Co, brand manager ng La Filipina, layunin nilang maging healthy ang kanilang mga konsyumer at ito ang dahilan kung bakit nila inilunsad ang fun run.

Inaanyayahan din nila ang mga aspiring athletes at non-athletes na makilahok sa programang ito dahil ang malilikom na pera ay mapupunta sa Filipino sports team. Sa ngayon, ang sinusuportahan ng La Filipina ay ang volleyball, basketball, sepak takraw, dragon boat at dance. Sinusuportahan din nila ang GBM Squad, isang grupo ng mga atleta sa pagtakbo mula sa public schools ng Maynila, Valenzuela at Quezon City.

Ang La Filipina Power Up Run ay may 4 na kategorya na maaari nating pagpilian. Ito ay ang 1.5K (Php500), 3K (Php550), 5K (Php650) at 10K (Php760). Mayroon ding promo tulad ng 10+1 at student discount! Ang lahat ng makikilahok ay makatatanggap ng singlet, racebib, finisher’s medal at La Filipina loot bag. Hindi lang ‘yan, mga katsika, asahang mayroon ding fun activities pagkatapos tumakbo tulad ng inflatable!

Para sa mga gustong sumali, maaaring mag-register sa kanilang official Facebook page. Maaari ring pumunta sa Chris Sports sa kanilang selected branches - - - Robinsons Place Ermita, SM Mall of Asia, SM Megamall, SM North-Annex at Glorietta.

Para sa iba pang impormasyon, maaaring tumawag sa 0927-8484533 o 0918-8133333 at hanapin si Ms. Nikka Ramos. Maaari ring mag-email sa aldenver. veronicaramos@gmail.com. Sali na, mga katsika at sabay-sabay tayong tumakbo patungo sa pagsuporta sa mga atletang Pinoy!

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page