top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bago nagsama uli sa movie... Angelica, umaming 'di sila nagpansinan ni Bea dahil sa inis sa isa&

  • Vinia Vivar
  • Nov 24, 2019
  • 2 min read

Parehong may pinagdaanan sina Bea at Angelica sa kani-kanilang love life ka­makailan kaya naman habang ginagawa nila ang Unbreakable ay nagtulungan sila na makapag-move-on.

“May pinagdaanan siyang based in the past, tapos ako rin, halos pareho ‘yung pinagdaanan namin. ‘Di ba ganun ‘yun kapag nakaka-relate kayo sa pinagda­raanan ng isa’t isa, mas bonded kayo?

“Kasi tinutulungan n’yo ang isa’t isa na mag-heal at tinutulungan n’yo ang isa’t isa na maka-move on,” pahayag ni Bea.

Sey ni Angelica na natatawa, “Ano kami, sharing notes.”

Dagdag ni Bea, nagtatawagan sila at kapag may moments na down ang isa, binibigyan nila ng encouragement ang isa’t isa.

Ayon naman kay Angelica, ngayon ay mas malalim na ang kanilang samahan.

“Kasi ngayon, mas may maturity, hindi na lang puro harot. Siyempre noon, wala kayong ginawa kung hindi magkulitan lang, magkuwentuhan lang, mag-pictorial sa garden kapag may magandang background, parang day-off lang namin lagi.

“Ganoon lang, eh. Ganu’n lang ang samahan namin dati and mas lumalim talaga ngayon na parang pinagsama kami dahil siguro alam din naman ng tadhana na parang matutulungan namin ang isa’t isa,” wika naman ni Angelica.

Aminado naman ang dalawang aktres na dumaan din ang friendship nila sa pagsubok dahil nag­katampuhan na sila dati at hindi nagpapansinan.

“Nagkaroon ng time na iniwasan na lang namin ‘yung isa’t isa dahil naiinis na kami sa isa’t isa. And ‘yun nga, parang bigla na lang din, inayos kami ng time, tapos nagkataon, kinausap lang kami ni Ate Val kung gusto naming mag-movie, so parang lahat talaga, nangyayari nang may dahilan talaga,” kuwento ni Angelica.

At ngayong okay na sila, mas lumalim pa ang kanilang friendship at nag-reflect din daw ito sa pelikula nila.

“Kung ano ‘yung makikita n’yo sa movie, naniniwala ako na mas may lalim ‘yung naramdaman namin sa totoong buhay kaya kaya naming itawid sa pelikula ‘yung mga ganu’ng eksena,” sey pa ni Angge.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page