top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

13 gold medals kekembutan ng dancesport sa SEA games

  • MC / A. Servinio
  • Nov 24, 2019
  • 2 min read

Magkabali-bali na ang buto at laman ng mga pambato ng Pilipinas sa dancesport masiguro lang ang gintong medalya sa sandaling sumayaw na ang Pinoy sa 30th Souheast Asian Games.

Ayon kay Dancesport Council of the Philippines president Becky Garcia , ang layunin ay walisin ng Team Philippines ang lahat ng 13 events at muling ibalik ang glorya ng bansa sa prestihiyosong biennial meet na magbubukas sa Nob. 30.

Kumuha pa sila ng dalawang foreign coaches upang makatulong na maging perpekto ang kanilang skills.

Nasa bansa sina Alina Novak ng Poland at Alexander Melnikov ng Russia na tatlong linggong isinailalim sa training ang Pinoy dancers sa Latin at Standard events.

Si Novak ay isang beteranong mananayaw na nagwagi ng Adult Latin Division sa World Championship habang si Melnikov ay isang seasoned mentor na nagtuturo ng mga ideals ng balance, coordination at movement.

Bukod sa pagtuturo sa tamang galaw ng mga paa, ang Pinoy dancers ay nai-train na rin sa Italya noong Oktubre sa pagdalo sa dance camp.

Walang mang ipinangangako si Garcia, pero pagwalis sa pinakamalaki, pinakaprestihiyosong multi-sport tourney sa rehiyon ang pakay nila. “I don’t want to predict but if we can go for a sweep, we’ll do it,” ani Garcia, na unang naka-2 gold at dalawang silver medals noong SEA Games 2005.

“We had a training camp and we hired foreign coaches. We had a good preparation for the SEA Games and the athletes are ready. We just have to keep our fingers crossed and hope for the best.”

Samantala, ilang araw na lang at magbubukas na ang 30th Southeast Asian Games sa mga lugar na nakakalat sa buong Luzon. Malaking hamon para sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) ang maayos na paghatid at pagsundo sa libu-libong manlalaro at opisyal sa loob ng susunod na dalawang linggo.

Upang masagot ang suliranin na ito, napili ang Morris Garages o mas kilala sa MG bilang official mobility partner at platinum sponsor ng palaro. Maglalabas ang MG ng tinatayang 80 ng kanilang mga sasakyan na ibabahagi sa lahat ng palaruan.

Kamakailan ay pormal na nilagdaan ang kasunduan sa pagitan nina Atty. Alberto Arcilla ng MG Philippines at Jojit Alcazar ng PHISGOC.

Sinaksihan ito ng mga iba pang kinatawan ng MG, PHISGOC at Mediapro Asia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page