Yulo - Pacman, magsisindi ng cauldron sa SEAG opening

May mahalagang papel sa 30th Southeast Asian Games opening ceremony sina Asian gymnastics gold medalist Carlos Yulo at 8th division world champion Manny ‘Pacman’ Pacquiao.
‘‘According to the Phisgoc, world gymnastics champion Carlos Yulo will hand the torch to boxing legend Manny Pacquiao, who will light the P55-M cauldron at the New Clark City,’’ ayon kay SEAG Chef de Mission William ‘Butch’ Ramirez. Idinagdag niya ang mga magsisilbing flag bearers sa Nob. 30 na opening ceremony sa Philippine Arena sa Malolos, Bulacan ay sina Eumir Marcial, Kiyomi Watanabe, Margie Ochoa, Margielyn Didal, EJ Obiena at Nesthy Petecio.
Kaugnay nito, optimistiko ang PSC Chairman na maduduplika ang milagro ng 2005 ngayong 30th SEAG na idaraos hanggang Dis. 11.
Sinabi pa ni Ramirez nitong Huwebes ng gabi na ayon sa 45 national sports associations, ang bansa na magho-host muli matapos ang 14 na taon mula noong 2005, ay kayang humakot ng 274 gold medals sa may 56 sports disciplines na paglalabanan. ‘‘That forecast is not impossible. The PSC is not supposed to predict but during our meeting, 45 NSAs said that we can win 274 golds,’’ saad ni Ramirez at aniya hindi naman apektado ang mga atleta sa mga usapin sa games organizing commitee.
‘‘While the the PSC remains committed to grassroots sports program, I can say that our support to the athletes is unprecedented. Our athletes are not neophytes, they have foreign training and we have the hometown support,’’ ayon kay Ramirez, na una ring naging chef de mission noong 2005 edition na may kabuuang 290 medals na nasungkit ang bansa, (112 golds, 85 silvers at 93 bronzes).
Dati ay 40 sports disciplines lamang ang pinaglabanan. Niliwanag din ni Ramirez na hindi siya miyembro ng Philippine SEA Games Organizing Committee na kamakailan ay kinuwestiyon ng Senado dahil sa napakalaking halaga ng cauldron na sisindihan sa ilang araw na games.
Nilinaw din niya na bagamat miyembro siya ng executive commission kasama sina Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino, hindi siya signatory sa anumang Phisgoc deal. Malaki aniya ang respeto niya sa liderato ng Phisgoc na pinangangasiwaan ni House speaker at Rep. Alan Peter Cayetano.
‘‘This is not the time to accuse Phisgoc of corruption, extravagance, etc.,’’ ani Ramirez at binigyang diin na ang Commission on Audit ang titingin sa mga bagay na ito ayon sa batas matapos ang SEA Games.
‘‘After the SEA Games, the PSC will report to the President,’’ dagdag ni Ramirez. Sa naturang Senate hearing, sinagot ni Ramirez kung kaya ba ng PSC na patakbuhin ang games.
‘We did it in 2005 in tandem with the POC.’’ Aniya, may kabuuang 2,140 na delegasyon ang bansa kabilang na ang 1,085 athletes at coaches. Gumastos na rin ang PSC ng P1 billion para sa foreign exposure ng nationals at nakahanda na ang pinansiyal na gantimpala para sa magwawagi ng medalya sa SEA Games.





Comments