Pananakit bilang disiplina, hindi na ubra sa mga millennial

May kabit ang asawa, isumbong mo kay Tulfo. Ayaw magbayad ng utang, ipa-Tulfo mo.
Minaltrato ng amo, ilapit mo kay Tulfo. Na-modus, naloko, tinakbuhan, magpasaklolo kay Tulfo. Halos lahat na yata ng problema ay nakarating na sa YouTube channel ng journalist na si Raffy Tulfo. Marahil ay napapansin ng mga tao na mas mabilis ang aksiyon at hustisya sa kanyang programa kesa sa batas na meron tayo.
Hanggang sa lumabas ang isang episode na tila hindi naging katanggap-tanggap para sa iba. Tungkol ito sa isang guro na inireklamo ng mga magulang at lola ng kanyang Grade 2 pupil. Batay sa sumbong na makikita rin sa kuha ng CCTV sa loob ng eskuwelahan, inilabas ng titser ang isang upuan at doon pinaupo ang nasabing pupil dahil sa card na ipinasasauli, pero hindi nadala.
Ayon sa lola ng bata, may nauna pang insidente ng pang-aabuso at pamamahiya na ginawa ang guro sa kanyang apo tulad ng pagtuktok ng suklay sa ulo nito dahil nag-ingay bagay na kanila umanong ikinababahala na baka ma-trauma at hindi na makapag-aral nang maayos ang bata.
Aminado ang titser na nagkamali siya sa paraan ng kanyang pagdidisiplina kasabay ng paghingi ng tawad, subalit ang hinihinging kapalit ng mga magulang ay ang matanggal ito sa serbisyo. Sa 13-minutong video ng pagsusumbong, pagdepensa at tila pagbabanta, isang guro na 29 years nang nagtuturo ang pumayag na matanggalan ng lisensiya, huwag lang siyang makasuhan at makulong.
Ano nga ba ang tamang pagdidisiplina sa mga estudyante?
Para sa mga Batang ‘90s, ‘yung napingot, napatilya, napitpit, napa-squat, napadipa sa labas ng room, ito ‘yung mga parusa ni titser na nagpaunawa na may mali silang ginawa na hindi na dapat ulitin at kaya sila mga naging disiplinado.
Pero, iba na ang panahon ngayon. Mismong mga magulang ay aminadong hirap sa pagdidisiplina sa mga anak. Minsan, hindi na natin alam kung sino ba ang mga magulang dahil sa tindi nilang mangatwiran. At kapag naubusan ka ng pasensiya at nasaktan mo na, ikaw ang lalabas na abusado at masama. Paano pa kung hindi ka kadugo?
Kaya mahirap maging guro, masarap sa pakiramdam na tumayong pangalawang magulang na ipinagkakatiwala sa atin ang mga sinasabing pag-asa ng bayan, pero kapag nalalagay sa alanganing sitwasyon, paano na?
Ang mainam sigurong gawin ay magkaroon na ng malinaw na panuntunan pagdating sa pagdidisiplina sa mga mag-aaral, pero kasabay nito, bigyan din sana natin ng tiyak na proteksiyon ang mga guro para naman madepensahan din ang kanilang mga sarili bago pan.





Comments