Mas pinili kesa sa matrona… Jay, umaming may karanasan na sa bading

Tinanong din namin ang magaling na aktor na si Jay Manalo sa Q&A na dahil gay ang karelasyon niya sa Love is Love movie played by Raymond Bagatsing, nagkaroon din ba siya ng gay experience in real life?
In fairness to Jay, diretso niyang inamin na meron, pero when asked to share kung hanggang saan umabot ‘yung experience na ‘yun, sagot ng aktor na pantasya ng mga bading, “Seryoso? Gusto mo talagang magkuwento ako? Nagyoyosi ka ba? Mamaya kuwentuhan tayo,” kaya nag-behave na kami at ‘di na nagtanong uli.
Sabagay, sapat naman na siguro ‘yung pag-amin niya and read between the lines na lang. Hehe!
Actually kasi, naitanong namin kay Jay ‘yan dahil du’n sa interview sa kanya ni Mr. Fu para sa YouTube channel nito, nang papiliin siya kung bading o matrona, mas pinili niya ang bading dahil malawak daw ang pang-unawa kesa sa babae.
So, ‘yun naman pala! At kung saan hinugot ni Jay ang sagot na ‘yun? Sabayan n’yo na lang siyang magyosi. Char!
Bukod kina Raymond at Jay, bida sa Love is Love sina Roxanne Barcelo at JC de Vera at nasa cast din sina Rufa Mae Quinto at Marco Alcaraz, plus si Neil Coleta.
Wala sa presscon si Rufa Mae pero laugh to the max ang mga press people na nanood sa one-on-one interview sa kanya ni Mr. Fu (na host din sa presscon kahapon) dahil tinanong ng DJ-TV host kung nagkaroon na ba ng BF na bading ang sexy comedienne in real life tulad ng role niya sa movie.
Safe na sagot ni Rufa Mae, “‘Di ko sure!”
O, ‘di ba, ang galing talagang sumagot ng komedyana? Again, read between the lines na lang.
Ang Love is Love ay mula sa direksiyon ni GB Sampedro at showing na nga on Dec. 4 nationwide.





Comments