top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Horoscope | Nobyembre 23, 2019 (Sabado)

Maestro Honorio Ong
Nov 23, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 23, 2019 (Sabado): Huwag mong akalain na mahina ka. Mas malakas ka kaysa sa nag-aakalang sila ay malakas. Magtata­gumpay ka at sila ay aani ng masaklap na kabiguan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Manindigan ka! Kapag na­kitang may pa­ninindigan ka, mas mara­ming maniniwala sa iyo at mapauunlad mo ang iyong buhay at ang iyong pakiki­pagrelasyon sa mga nasa pa­ligid mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-19-20-24-39-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magpa­paim­pluwen­siya sa mapagpilit at ma­kukulit. Simple lang ang buhay mo at sa simpleng mga pa­raan, puwedeng-puwede kang umasenso. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­su­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-24-28-30-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong pahirapan ang sarili mo. Kung saan ka madadalian ‘yun ang iyong piliin. Oo, duma­an ka rin sa hirap pero noon pa ‘yun at iba na nga­yon at ang hinaharap. Masu­werteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-14-20-24-38.

CANCER (June 21-July 22) - Aahon at ma­pupunta ka sa mataas na kala­gayan. Ito ay tiyak na mang­yayari dahil kikilos ang ka­palaran mo kung saan ang mga problema mo ay ku­sang malulutas at maglalaho. Ma­suwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-16-19-20-21-24.

LEO (July 23-Aug. 22) - Bale­walain mo ang mga intriga sa buhay mo dahil masasayang lang ang pana­hon mo para patulan ang mga manlilikha ng mga ito. Ilaan mo ang iyong oras sa makabuluhang proyekto. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-10-15-16-21-25.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi naman gaanong tatalu­nin ang mga pag­subok sa iyong harapan. Magpakita ka lang ng ta­pang at lakas ng kalooban, biglang mawawala ang mga ito na parang bula. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-12-16-20-21-26-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Labanan mo nang harapan ang mga hamon ng iyong kapalaran. Bakit ka matatakot? Marami ka nang napagtagumpayang mga pagsubok sa iyong bu­hay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-10-21-24-30-36.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Piliin mong maging mag-isa kaysa may kasama ka, pero magulo ang iyong buhay. Sa pana­na­hi­mik, nakikita ang landas na dapat tahakin. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masuwer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-3-10-16-19-20-24.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pansa­man­talang maaan­tala ang mga gusto mong gawin dahil ta­ta­lunin ka ng hindi maipali­wanag na katamaran. Muli, ito ay pansamantala lamang. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-10-14-18-22-26.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Aakalain mong mabibigo ka, pero kapag itinuloy mo ang gusto mong gawin, ikaw mismo ang mag­sasabi na ang akala ay lik­hang-isip lang. Masuwer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-18-21-27-28-30-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gibain mo ang pader ng kaduwagan na nakapalibot sa iyong kapa­laran. Kumilos ka nang ku­milos ayon sa iyong kagus­tuhan, makikita mo na ang nasabing pader ay iyong ma­titibag. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-21-23-30-35-46.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Walang maga­gawa ang mga kontrabida sa buhay mo na humahadlang sa iyong mga pangarap. Kaya mabuti na may pangarap ang tao at sinikap na ito ay matupad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-black. Tips sa lotto-7-13-29-31-38-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page