Bestlink College of the Phils., champion sa U-belt Dance Battle 2019
- Thea Janica Teh
- Nov 23, 2019
- 1 min read

Bulgarific
Hello, Bulgarians! Sama-samang nagdiwang ang U-Belt community dahil sa pagkapanalo ni Jhon Q. Balase ng Bestlink College of the Philippines bilang new king ng U-Belt Dance Battle 2019!
Tinalo ni Balase ang 15 kalahok mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad kasama ang defending champion na si Michael Baldomero ng University of Sto. Tomas. Nakalaban naman niya sa 1v1 ang Colegio de San Juan De Letran.
Ang U-Belt Dance Battle 2019 ay isa sa mga paraan ng Isetann Department Store & Supermarket para makilala ang mga talentadong estudyante sa Mega Manila.
Samantala, nananatili pa ring defending champion sa 2v2 ang Lyceum of the Philippines University students na sina KC Francisco at John Ray Castillo at makikipaglabang muli sa U-Belt Dance Battle 2020.
Hindi magagawa ang lahat ng ito kundi dahil sa tulong ng kanilang mga butihing sponsor tulad ng Selecta Ice Cream at Chowking. Congratulations sa lahat ng winners!
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments