top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

2 co-stars, parehong malas sa pag-ibig… Pramis ni Richard: Maghahanap ako ng matinong friends ko pa

  • Vinia Vivar
  • Nov 23, 2019
  • 2 min read

Very memorable para kay Richard Gutierrez ang first meeting nila ni Bea Alonzo at the story conference of Unbreakable dahil ito ‘yung time na pumutok ang balitang break na ang aktres and ex-boyfriend, Gerald Anderson.

Naganap kasi ang storycon ng peli­kula a day after the controversial “enough” post ni Bea noong July kaya naman masasabi talagang isa si Chard sa mga unang nakasaksi sa heartbreak na dinanas ng aktres that time.

“We were going to discuss the movie, it was the day na nangyari ‘yung heartbreak niya, so, ‘yun ang napag-usapan namin,” pagri-recall ni Chard.

Kaya naman that moment ay parang nagkapalagayang-loob na raw agad sila.

“So, ‘yun, parang nakilala ko kaagad siya. Kasi siyempre, ‘pag may pinag­da­ra­anan ‘yung tao, tapos mag-open-up sa ‘yo, parang automatic, makikilala mo na kaagad siya kung ano’ng pinagdaraanan niya, and you feel for that person and you understand what she’s going through. So, parang automatic, instant, parang nag-bond kaagad kami,” pahayag ni Chard.

Dagdag pa niya, “Instantly, naging bonded kami, kasi nga, narinig ko ka­agad ‘yung pinagdaraanan niya, so it made us closer right away.”

When asked kung nagbigay ba siya ng advice kay Bea nang time na ‘yun, ani Chard ay minimal lang ang mga na­ging payo niya dahil nag-iingat din siya since very fresh pa raw ang breakup.

“I was just there to really listen and console,” aniya.

Bale ba, prior to that, magkasama pa raw sina Bea and Gerald the previous month (June) sa binyag ng pangalawa niyang anak na si Kai. Kinuha niyang ninang ang aktres.

“Du’n yata sila huling nakita in public,” pagbabahagi ni Chard kaya tala­gang nagulat din daw siya sa nangyari sa dalawa.

When asked kung sa tingin ba niya ay naka-move on na si Bea, sey ni Chard, “Oo naman, naka-move on na siya. Pero tanu­ngin n’yo kaya siya, ba’t ako ang tinatanong n’yo?”

Since parehong single ngayon ang dalawang co-stars niyang sina Bea at Angelica Panganiban, natanong din si Chard kung wala ba siyang friends na mairereto sa mga ito.

“Maghahanap ako ng matinong friend ko,” sambit niya sabay-tawa.

Sa Unbreakable ay ginagampanan nina Bea and Richard ang papel na mag-asawa kaya ayon sa aktor ay sila talaga ang parating magkaeksena kaysa kay Angelica. Pero ang makatrabaho raw ang dala­wang magaling na aktres natin sa indus­triya ay isang mala­king kara­ngalan para sa kanya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page