top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ligtas na pampatamis kesa sa asukal, lumabas na!

  • Thea Janica Teh
  • Nov 22, 2019
  • 2 min read

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Hindi mawawala sa hapag-kainan ng bawat pamilyang Pinoy ang dessert. ‘Ika nga, there’s always room for dessert kaya naman kahit busog na busog na, hindi pa rin nating mapigilang kumain ng panghimagas. Ngunit, may masamang epekto rin ang pagkain ng sobrang matamis tulad na lamang ng diabetes.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang sobrang sugar sa katawan ay maaaring maging dahilan ng pagtaas ng ating timbang, pagtaas ng blood sugar at pagkakaroon ng heart disease. Pero don’t worry mga katsika dahil sagot na ng Santé ang minimithi nating tamis!

Kamakailan, inilunsad ang Sweetvia sweetener na kayang magbigay-tamis sa ating pagkain at inumin! Ito ay gawa sa Stevia, natural substitute sa asukal na mula naman sa dahon ng perennial green shrub. Ang halamang ito ay mayroong medicinal properties na anti-diarrheal, anti-tumor, diuretic, anti-inflammatory at immunomodulatory actions. Hindi lang ‘yan, kilala rin ang Stevia sa pagpapababa ng high blood sugar level at high blood pressure.

Bukod pa rito, mayroon din itong Inulin, natural soluble dietary fiber mula sa chicory plant na kayang pagandahin ang ating digestive health. Kaya rin nitong maiwasan ang constipation, mainam din na gamiting pampababa ng timbang at pagkontrol sa ating blood sugar level.

Ang Sweetvia ay maaari nating ihalo sa kape, ulam, shake o kahit sa pagbe-bake! Sabi nga sa tagline nila, “Treat without a guilt”, hindi na tayo mag-aalinlangan sa pagkain ng matatamis dahil sa mga ingredient na maraming health benefits!

Isa lamang ang Sweetvia sa mga produkto ng Santé na tumutulong at nagpapaganda ng kalidad ng buhay sa buong mundo. Mabibili ang Sweetvia sa All Day Supermarket at lahat ng retail stores, nationwide!

Para sa iba pang katanungan at impormasyon, maaaring bisitahin ang kanilang Facebook Page sa www.facebook.com/SweetVia.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page