Kahit na-hurt kay Gerald… Bea, walang dala, game pa rin sa lalaki

Halatang naka-move on na nga si Bea Alonzo mula sa breakup nila Gerald Anderson dahil ang saya-saya niya sa presscon ng Unbreakable, her latest film under Star Cinema kasama sina Richard Gutierrez and Angelica Panganiban.
Panay ang tawanan nina Bea at Angelica at madalas nilang pagtripan si Richard. Pinagtatawanan nila ang co-star at parang may private joke silang tatlo.
Sa diretsong tanong kung naka-move on na siya, mabilis ang naging sagot ni Bea.
“Oo, okay na ako,” she said.
“Saka, ano, sobrang dami ng blessings na dumating, parang nag-360 (degrees, meaning complete change or opposite). Ang daming dapat kong ipagpasalamat. Na-realize ko, ang dami pa palang mas importante sa buhay ko, hindi lang dyowa,” dagdag ni Bea.
When asked kung may kapalit na ba si Gerald sa puso niya, ani Bea ay wala pa naman.
“Magpapahinga na muna ‘ko,” sey niya sabay tawa. “Parang hindi ko pa kaya.”
Pero hindi naman daw niya tuluyang isasara ang puso niya kundi magpapahinga’t magpapagaling lang daw muna.
“And then, ‘pag dumating na ‘yung tamang panahon, kapag ready ka na ulit, eh, di open mo na ‘yung heart mo ulit,” sey pa ni Bea.
Um-agree naman si Angelica who, as we all know ay katatapos lang ding dumanas ng heartbreak kay Carlo Aquino.
“Nire-renovate lang po namin (ang heart). Ina-upgrade lang po namin,” ani Angelica.
Samantala, ang Unbreakable ay unang pagsasama-sama nina Angelica, Richard and Bea sa isang proyekto. Masayang-masaya ang tatlo dahil noon pa raw ay gusto na nilang makatrabaho ang isa’t isa and finally ay nangyari na.
Mula ito sa direksiyon ni Mae Cruz-Alviar.





Comments