Ibinulgar ng misis na si Liza… Ice, nagpapa-rehab dahil sa depresyon
- Erlinda Rapadas
- Nov 22, 2019
- 1 min read

Personal na inasikaso ni FDCP Chairwoman Liza Diño ang Nominees Night ng Luna Awards na inorganisa ng Film Academy of the Philippines.
Ang Luna Awards ang bale counterpart ng Oscars sa Hollywood. Bibigyan ng parangal at pagkilala ang mga artista, direktor, atbp. technical people na tumulong sa pagbuo ng isang pelikula.
Dumating sa event ang kasalukuyang chairman-director general ng FDCP na si Ms. Vivian Velez. Dumalo rin sina Glaiza de Castro, Nova Villa, Max Collins, Pancho Magno, Mon Confiado, Direk Chito Roño, Simon Ibarra, atbp..
Gaganapin ang mabituing 37th Luna Awards Night sa Nov. 30 sa Maybank Global City sa Taguig.
Samantala, pagkatapos ng pagpapakilala sa mga Luna Awards nominees, natanong namin kay FDCP Chairwoman Liza Diño kung kumusta na ang kanyang partner na si Ice Seguerra. Umamin si Ice na dumaranas siya ngayon ng matinding depression simula nang iwanan niya ang kanyang puwesto bilang chairman ng National Youth Commission. Nag-a-undergo raw ngayon si Ice ng rehabilitation at counseling.
Naging masyadong abala si Chair Liza sa kanyang mga obligasyon sa FDCP kaya hindi na raw sila madalas na nakakapagbakasyon ni Ice.
Gusto ni Ice na magdirek at muling makagawa ng hit song tulad ng Pagdating ng Panahon.





Comments