Forest Ranger, may puntos sa WTA

Sa patuloy na pakarera ng Philippine Racing Commission Inc. (PRCI) Chairman bilang paggunita sa Emeritus Santiago Cua Day sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.
Kasabay nito magaganap ang Additional One Win in Group Races na paglalabanan ng Condition Race, Group Race, 2 Year Old Maiden Race, Condition Race Merged Race.
Magaganap ang Winner-Take-All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4 kasabay ng Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super 6 na tatakbuhin sa distansiyang 1,200 meters.
Sa Race 1, napanimula ng WTA, pinapaboran ang Tool of Choice at Pronto at isama ang Hiconicus, Beautiful Lady at Misha sa Trifecta, Quartet at Pentafecta.
Sa Race 2, magaganap ang Pick 6 at nakalalamang ang Great Style laban sa mga kalahok na Undercover, Shinshiro at Inter State.
Nakalalamang ang Amazing Cole sa mga kalaban na Artikulo Uno at Apo Island puwede rin sa Trifecta at puwedeng tayaan sa Pick 5.
Sa Race 4, magaganap ang Pick 4 at pinapatok ang Forest Ranger panegundo ang Metamorphosis. Magkakasubukan ngayon sa pag-alagwa ng 2-year old maiden race ang Ivana Mayroleks at couple entry na Tikain Kamo at Sekretong Malupit.
Magkakalaban sa unahan ang Fire Council at couple entry na Pabulong at Nothing But D Truth, isama ang Arianna Malia, High Quality at Kailuphia sa Trifecta at quartet sa Race 6.
Sa Race 7 nakalalamang ang The Accountant makakalaban ang couple entry na Señor Lucas at Professor Jones sa mga paratingan sa WTA, Pick 6, Pick 5 at Pick 4.





Comments