top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Carlo, 'di kawalan… Angelica, kumantang 'di na lalaki ang nagpapasaya sa kanya ngayon

  • Mercy Lejarde
  • Nov 22, 2019
  • 2 min read

Photo: @iamangelicap

Sa grand mediacon ng pelikulang Unbreakable and during half-way ng Q&A portion ay nilapitan kami ni James Banaag of Star Cinema para magtanong sa cast na kahit hindi ready ang byuti ni yours truly ay napa-”Oo” na lang, so esep-esep ng tanong na siyempre ay may konek sa title na Unbreakable and here it goes….

“Ahhmmm… Seing you again today, Bea and Angelica, after… siguro may one year na or medyo matagal na rin pero… amazed na amazed pa rin ako sa byuti n’yo, napaka-flawless, napaka-yummy (super-tawa ang dalawa, in pernes). Parang hindi kayo galing sa ano, eh, sa “breakable romance” na puwede ninyong sabihin sa naging past romance n’yo na… ‘Oh, eto ang iniwan n’yo, oh, ang ganda-ganda. Ikaw, Gerald, ano’ng masasabi mo?’” na lalong ikinahalakhak nina Bea at Angelica, pati na rin ng mga kasama nila sa open forum.

“‘Yung mga ganu’n, ano’ng masasabi n’yo na galing kayo sa breakable romance, aminin na natin… (na lalong ikinahalakhak nina Bea at Angelica). Oh, unahin natin si Ge, ay si ano, Gea, ay, Bea pala (halakhakan to the max uli). Ano nga ang sikreto mo at parang hindi ka affected much sa naging breakable romance n’yo ni Gerald?”

“Tapos na ako ru’n. OK na ako. Saka ano, sob­rang daming blessings na du­mating, parang ang da­ming dapat ko palang ipagpasalamat… Na-realize ko, ang dami palang mas importante sa buhay ko… hindi lang dyowa.”

Next question is kung may kapalit na ba si Gerald?

“Wala pa naman po. Pero mamamahinga mu­na ako… parang hindi ko pa kaya.”

Umugong uli ang mala­kas na tawanan lalo na sa part nina Bea at Angelica after ng tanong na, “Ah, hindi pa? So, hindi ka pa nakaka-move on?”

“Hindi naman kaila­ngang magka-boyfriend para patunayan na na­ka-move on ka na,” katwiran niya with matching Broadway smile.

And then, it’s Angelica’s turn.

“Ano po… ang secret, maging masaya lang din siguro, tapos mag-Silka papaya soap (tawanan uli), para sa Silka, yummy ka, hahaha! Ahhh, siguro ‘yun nga, alagaan mo lang ‘yung sarili mo, para good health, kumain ka nang maayos, basta ang importante, kung ano ‘yung nasa loob mo, so magre-reflect din naman ‘yun palagi, eh.”

Oo nga, dapat lang. Ang gaganda n’yo, ‘noh?! Huwag ninyong sayangin. Hayaan n’yo nga sila, sino ba’ng nawalan, eh, di sila!

Anyway, bukod kina Bea Alonzo at Angelica Panganiban ay kasama rin sa cast ng Unbreakable sina Richard Gu­tierrez, Ian Veneracion, Gloria Diaz, Ro­sanna Roces, Via Antonio, Philip Joshua Endrinal, Issa Litton and two promising young stars Joao Constancia at Anthony Jennings sa panulat ni Vanessa Valdez at sa direksiyon naman ni Mae Cruz-Alviar.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page