PRCI, may pa-bigas sa winner horse
- Ding Taboy
- Nov 21, 2019
- 1 min read

Mamimigay ng isang sakong bigas sa bawat mananalo kabayo sa pagtikada ng Philippine Racing Commission Inc.(PRCI) Chairman Emeritus Santiago Cua Day sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.
Kasabay nito magaganap ang Additional One Win in Group Race na kapapalooban ng condition race.
Samantala, magaganap ang Winner Take All (WTA) Pick 6, Pick, 5 at Pick 4 kasabay ng Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super 6.
Sa Race 1, magsisimula ang WTA sasamahan pa ng Trifecta, Quartet at Pentafecta pinapaboran ang Believable, Hard Work Classic at Windy Star.
Magaganap sa Race 2 ang Pick 6 at nakalalamang ang Viva Forever at binibigyan ng panalo ang Love Affair.
Sa Race 3, nakalalamang ang Deeper habang makakalaban ang Pilya at Weekend Bash na kasabay ng Pick 5. Sa Race 4, magaganap ang Pick 4 sa Race 4 at binibigyan ng panalo ang Dedication, habang ang kalahok na Significant Play ang tatalo at magandang dehado ang Big Boy Vito.
Nakalalamang ang Smiling Lady at makalalaban ang couple entry na alahero at Princess Tin at baka makasilat ang Belt and Braces sa Race 5.
Sa Race 6, malaki ang panalo ng couple entry na Eyeshot at Bossa Nova, makakalaban ang Zapima at Apple du’ Zap.
Magkakalaban sa Race 7, ang Coastal Road at Put Atigerinurtank habang magbibigay ng magandang laban ang couple entry na Grand Princess at Oakhill Princess isama sa inyong paratingan ang Rocking Hill, Stone Ladder at Olympic Gold sa Super 6.





Comments