'Pag nagbabu sa It's Showtime, 'di na babalik sa pagtitinda ng kakanin… Hirit ng mga net

At this point of his life kung saan sikat na siya dahil sa kanyang exposure sa It’s Showtime, marami ang nagsasabing imposibleng iwan ni Kuya Escort Ion Perez ang kanyang showbiz career at bumalik na lang sa pagtitinda ng kakanin sa Tarlac. At hindi niya pupuwedeng i-deny na malaking factor si Vice Ganda kaya siya sumikat at nakilala.
Dahil sa relasyon nila ni Vice ay naba-bash nang todo si Ion. Binansagan siyang “user” at oportunista. Sinasamantala lang daw niya ang pagkahumaling sa kanya ni Vice Ganda at marami ang duda na totoong mahal niya ang TV host-comedian.
Lahat na ng masasakit na akusasyon ay ibinato kay Ion Perez kaya gusto na niyang iwan ang Showtime at bumalik na lang sa kanilang lalawigan sa Tarlac. Halos hindi na niya ma-take ang bintang ng mga bashers.
Anyway, may advice naman kay Vice ang ilang netizens tungkol sa sitwasyon nila ni Ion. Tutal, may pera naman si Vice Ganda, ipagpatayo na niya ng sariling negosyo ang kanyang love of his life na si Ion kung sakaling ituloy nito ang pag-alis sa Showtime.
Gusto rin siguro ni Ion na hindi lang siya forever na dedepende kay Vice at kaya rin niyang tumayo on his own.





Comments