top of page

Nakita ang sarili sa panaginip na nakahiga, sign na dapat kumilos na para umasenso

  • Socrates Magnus
  • Nov 21, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni YU ng YU_ Chen@facebook.com

Dear Professor, Napanaginipan ko na naglalaro kami ng anak ko sa labas ng bahay. Gabi na ‘yun kaya nagtataka ako dahil gabi na, pero nasa labas pa kami, tapos kinarga ko na siya para umuwi. Nang madaanan namin ‘yung mga kapitbahay namin, nakasarado na ‘yung mga pinto at tunog mula sa TV lang ang naririnig namin, tapos nang malapit na kami sa inuupahan naming bahay, may nakaharang na takip na drawer. Takang-taka ako kung bakit may nakaharang, pero inalis ko ‘yun para makadaan kami at nagulat ako dahil bukas ang ilaw namin, tapos pagkapasok namin ay lalo akong nagulat dahil nakabukas din ‘yung electric fan at nakita ko na nakahiga kami ng anak ko. Nag-panic ako kaya ginising ko ‘yung katawan ko, pero gumalaw lang ito at hindi nagising, tapos tsinek ko rin ‘yung anak ko na natutulog sa tabi ko. Ano ang ibig sabihin nito? Maraming salamat!

Naghihintay, YU

Sa iyo YU, May mga nakararanas din ng tulad ng nangyari sa panaginip mo kung saan nakita nila ang kanilang sarili. Ito ay karaniwang nangyayari sa mga taong may malaking problema na sa biglang tingin ay hindi kakayanin ng pangkaraniwang tao. Gayunman, nakatitiyak din na kayang-kaya mo ang iyong mabigat na suliranin.

May pagkakataon na ang nanaginip ay may gustong gawin na may kaugnayan sa kanyang pag-asenso, pero hindi niya magawa dahil ayon sa kanya, hindi siya mabigyan ng pagkakataon at ang mga tao sa kanyang paligid ay tila walang bilib sa kanya.

Sabi ng panaginip mo, malaki ang tagumpay na naghihintay sa iyo kapag nagawa mong palayain ang sarili mo sa tanikala ng kaduwagan, as in, naduduwag ka sa tunay na buhay, ayon sa iyong panaginip. Dahil dito, huwag ka nang maghintay ng sinasabi ng marami. Huwag ka rin tumulad sa iba na ang sabi ay naghihintay sila ng senyales para umpisahan ang pagkilos. Sabi ng panaginip mo, kailangan mong lakasan ang iyong loob at pikit-mata mong tahakin ang landas ng iyong buhay.

Ganito ang sabi sa sikat na tula na Invictus, “Ako ang panginoon ng aking buhay, hawak ko ang aking kapalaran,” ‘yan ang ibaon mo sa iyong utak na ikaw ay “Master of your own Destiny.”

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

1 Comment


acora778
Dec 27, 2024

Dear professor,

Nanaginip ako na may inaabot ako na isang bagay tapos nung bumaba ako pagtingin ko nakita ko ang sarili ko na andun pa nkatalikod akoy gulat na gulat at bilis akong tumawag sa kasama ko sabi ko tingnan mo bakit andun pa ako tatlong besis ko raw tinawag ang aking kasama para pansinin nya ako tapos ang ginawa ko daw may nakita akong kahoy na may apoy sa dulo at sinusugod ko yung isang ako para umalis at tinawag ko na nman ang kasama ko at akoy narinig nya at ginising nya ako ang sabi nya nanaginip ka gising!ayun nagising ako ..ano po ang ibig sabihin ng aking panaginip na yun maraming salamat po

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page