top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nadine, nagseselos daw, tutol mapunta sa iba ang BF… James, gusto nang umatras sa serye nila ni Nanc

  • Ronalyn Seminiano
  • Nov 21, 2019
  • 2 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Nagdadalawang-isip si James Reid kung itutuloy pa ba niya ang TV series na nakatakdang pagbidahan nila ni Nancy McDonie ng Korean girl group na Momoland titled Soulmate. Until now kasi ay wala pang update ang producer ng Soulmate na Dreamscape Entertainment tungkol dito.

Nang ibalitang magtatambal sina James at Nancy, nagbunyi ang mga fans ng Momoland, pero ilang araw lang after ng announcement ay lumabas na ang mga issues na tila dahilan kaya nag-aalangan ang magaling na aktor.

Naging sunud-sunod ang patutsada ni Ulysses Lustre na ama ng GF ni James na si Nadine Lustre sa Facebook. Nag-post si Ulysses ng, “I’m flop and you’re high gross, what are you afraid of? You feel so threatened, you’re desperate to break US apart. I hope someday you get what you deserve. What comes around, goes around.”

Akala ng iba, si Kathryn Bernardo ang pinatatamaan ng ama ni Nadine dahil sa highest grossing film nila ni Alden Richards na Hello, Love, Goodbye. Pero kasabay ng FB post issues ay umu­­gong din ang balitang ayaw umano ni Nadine na maka­tambal ni James si Nancy. Naisip tuloy ng mga neti­zens na ang tam­balang Nan­cy at James ang tinutukoy ni Ulysses.

Dahil sa TV series na na­­ka­takdang gawin ni James together with Nan­cy, mara­ming fans ang nag-ship sa dalawa kahit balitang-balita nang live-in partner na ni Nadine ang aktor.

Kitang-kita kasi ang chemistry kina James at Nancy kaya may ba­li­tang nasaktan si Nadine dahil sa pro­yektong ibinigay sa BF niya na posib­leng makaapekto sa love life nila.

Dahil sa umano’y pag-aalangan ni James na ituloy ang TV series na Soul­mate, maraming fans and supporters ang nagtampo sa kanya at kay Nadine.

Hindi naman natin masisisi si Nadine kung totoong tutol siyang mag­tambal sina James at Nancy. Lalaki pa rin si James at sa ganda ni Nancy, hindi malabong makaramdam ito ng something sa K-pop idol, ‘di ba?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page