top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kulang na ang suweldo, may nakaaway pa sa trabaho, nag-resign pero hindi tinanggap

  • Roma Amor
  • Nov 21, 2019
  • 1 min read

Dear Roma, Ako si Kier, 22, nagtatrabaho sa sikat na milktea store at na-promote ako bilang OIC. Wala namang problema sa trabaho ko, pero kulang ang suweldo ko sa pang-araw-araw na gastusin, gayundin, napapagod ako dahil sa biyahe. Inilipat naman ako ng branch, pero may nakaaway ako kaya nagbabalak na akong mag-resign. Nang nagpasa ako ng resignation letter, hindi nila tinanggap at ilang araw na akong hindi pumapasok mula nang nangyari ‘yun. Ano ang gagawin ko? – Kier

Kier, Naiintindihan namin ang sitwasyon mo, pero kahit may nakaalitan ka, piliin mong gawin ang tama, magpakapropesyunal ka at ‘wag idamay ang trabaho. Gayunman, walang masama kung gusto mong mag-resign, pero dapat umalis ka sa trabaho sa tamang paraan. Kung hindi tinanggap ang resignation letter mo, alamin mo kung bakit dahil karapatan mo ‘yun. At kung tuluyan kang aalis, ayusin mo ang alitan ninyo para walang samaan ng loob pagdating ng panahon. Okay? Good luck!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page