top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kahit gustung-gusto ng mister, 'di na raw kakayanin… Ai Ai, atras nang magkaanak pa sila ni Gera

Janice DS Navida
Nov 21, 2019
2 min read

Naawa kami sa Comedy Queen na si Ms. Ai Ai de­las Alas nang maging teary-eyed siya kahapon sa interview namin sa kanya pag­ka­tapos niyang mag-renew ng contract sa 5 years na niyang endorsement na Hobe Pancit Bihon/Canton/Palabok.

Sa Q&A kasi sa presscon, naitanong namin sa may-ari ng Hobe na si Mr. Bobby Co kung kasama ba sa pinirmahang kon­trata ni Ai Ai ang bawal magbuntis, dahil natural, ‘pag nagbuntis ang Comedy Queen, mapapahinga ito sa showbiz at mawawalan siya ng exposure.

Ayon sa mabait na Hobe CEO, hindi naman niya pinag­bawalan si Ai Ai at suportado pa nga niya ito kung ano ang magpapasaya sa komedyana, lalo’t inaanak pala sa kasal ni Mr. Bobby Co sina Ai Ai at Gerald Sibayan.

Pero si Ai Ai na ang nag­sabing hindi muna nila ipu-push ni Gerald ang paggawa ng baby dahil nitong mga nakaraang buwan, madalas pala siyang nagkakasakit at dahil sa organic lifestyle ng Comedy Queen, nagri-react na ang katawan niya kapag umiinom ng mga gamot. Nandiyang nahihilo at nasusuka raw siya, kaya paano nga naman kung mag­bubuntis siya, kawawa ang ipagbubuntis niya.

Kaya sa ngayon, ipinagpaliban daw muna nila ni Gerald ang planong magka-baby kahit matagal nang gustung-gusto ng mister niya na magkaroon sila ng anak. Sobrang understanding daw si Gerald at siyempre ay mas iniisip nito ang kalu­sugan niya kesa ang personal na kagus­tuhan.

At sa interview nga ng entertainment press kay Ms. Ai after ng Q&A, napaluha ang Comedy Queen sa pag-aming niloloko lang niya ang sarili na gusto lang muna nilang ipagpaliban ang pagkakaroon ng baby dahil ang totoo, hindi na raw talaga niya kakayanin.

Although open naman daw siya sa surrogacy, mas gusto pa rin daw siyempre niya na sa kanya galing ang magiging anak nila ng kanyang Papa Gerald.

Samantala, haping-hapi naman si Ai Ai, na sobrang obyus sa kanyang jolly mood kahapon, dahil 5 yrs. na nga siyang endorser ng Hobe Pansit products ni Mr. Bobby Co at ibig sabihin nga naman nito, effective endorser siya dahil tumaas ng 30% ang sales ng kumpanya mula nang kunin siya.

And by the way, gusto lang naming batiin ang dearest mom ng Comedy Queen na si Nanay Justa dahil sabi nga sa amin ni Ms. Ai, sob­rang avid reader ng BULGAR ang kanyang ina, as in araw-araw daw ay wala itong pinalalampas na issue ng aming pahayagan.

Maraming-maraming salamat po, ‘Nay Justa, at sana po’y ma-meet din namin kayo in person.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page