PCSO at PAGCOR, joint forces na para hindi maloko ng mga humihingi ng tulong
- Thea Janica Teh
- Nov 20, 2019
- 1 min read

Bulgarific
Hello, Bulgarians! Kilala ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa kanilang charitable programs tulad ng pagbibigay ng medical assistance. Kaya naman, malugod na tinanggap ng PCSO ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na nanghihingi ng kanilang tulong sa pagbe-verify at pag-establish ng authenticity ng dokumento at medical requirements na ipinapasa ng mga pasyente.
Ang indibidwal na humihingi ng tulong-medikal sa mga ahensiyang ito ay patunay sa PCSO sa kanilang kakayahan at integridad sa pagsasaayos ng medical request. Sa ngayon, ang PCSO ay nagpoproseso ng 1,890 medical request nationwide araw-araw.
Matatandaang ipinahinto ni PAGCOR Chairperson Andrea Domingo noong November 14, 2019 ang kanilang medical assistance dahil sa mga falsified claims.
Kaya naman, magtutulungan ang PCSO at PAGCOR sa pagproseso ng programang ito hindi lang sa isyu tungkol sa fraudulent claims kundi pati na rin sa pagsasaayos ng kanilang sistema at pagiging responsable sa kanilang data-sharing at long term solutions na makatutulong din sa Universal Health Act.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments