Knows n’yo na, mga momshies at kiddos? Dahilan ng pagkamatay ni Santa Claus
- Twincle Esquierdo
- Nov 20, 2019
- 2 min read

Tuwing sasapit ang Pasko, palaging naaalala si Santa Claus, lalo ng mga bata dahil sa paniniwalang ibinibigay niya ang mga regalo na gustong makuha ng mga ito. Pero habang lumalaki ang bata, gumagana ang kanyang curiosity kaya nagsisimula itong magtanong kung sino at saan galing si Santa Claus?
Kayo, alam n’yo ba kung sino at saan siya nanggaling? Hmmm…
Marami sa atin ang naniniwala na si Santa Claus at si Jesus ay iisa dahil pareho nilang ibinibigay ang ating kahilingan. Pero mga besh, mali ang impormasyong ito.
Nagmula ang lahat kay Bishop Nicholas ng Myra AKA Turkey at siya ay mayamang tao. Ginagamit niya ang kanyang kayamanan para tumulong sa mga nangangailangan, isinilang siya noong March 15, 270 AD at namatay siya noong Disyembre 6, 343 AD.
Inusig at ikinulong siya dahil sa kanyang pananampalataya, ngunit pinalaya siya sa pamamahala ni Constantine the Great. Katandaan ang dahilan ng kanyang kamatayan at inilibing sa Simbahan ng Myra.
Nang inililibing si Bishop Nicholas, may namuo na likido sa paligid ng libingan at tinawag nilang “manna” na sinasabing nakapagpapagaling ng mga may sakit.
Kumalat ang kuwentong ito sa America at tinawag na Sinter Klass ng mga taga-Holland, Sancte Claus naman ng mga taga-Estados Unidos at nakilala sa tawag na Santa Claus ng mga taga- Europe.
At dahil sa pagiging matulungin, mapagbigay at pagiging malapit ni Bishop Nicholas sa mga bata, itinalaga siyang santo at tinawag na Santa Claus.
Naaalala siya at ginugunita ang kanyang kamatayan tuwing Disyembre 6 at ipinagdiriwang naman ang kapanganakan ni Jesus Christ tuwing Disyembre 25 kaya pati sa pagdiriwang ng kaarawan ni Jesus ay naaalala siya ng mga tao.
Noong 1930s, nilagyan ng dress code ni Haddon Sunblom si Santa Claus ng kulay pula at puting damit na lalo pang nakilala dahil sa pag-advertise ng kumpanyang Coca-Cola.
Mga besh, kahit wala na si Santa Claus, buhay na buhay pa rin ang kanyang kabutihang-loob na patuloy na ginagawa ng marami tuwing Kapaskuhan.
Gayunman, lahat tayo ay puwedeng mag-ala-Santa Claus sa ating pamilya at mga kaibigan sa pamamagitan ng pagiging mabuti at matulungin kahit hindi Pasko.
Gets mo?




Comments