Alamin mula kay Señor... Pagwiwisik sa bahay habang idinarasal ang wish, pantanggal ng malas
Ipagpatuloy natin ngayon ang mga dagdag na kaalaman para buwenasin at alisin ang kamalasan sa bahay o tirahan.
Noong nakaraang isyu, pinag-usapan natin kung paano isasagawa ang fire bath na pang-alis ng mga kamalasan sa bahay at sa mismong nakatira. Gayunman, ngayon ay ibabahagi natin ang tinatawag na ‘water bath’.
Ang water bath ay paraan ng cleansing o paglilinis gamit ang tubig. Mahirap mang maunawaan, pero ang baptism o pagbibinyag ay isang klase ng water bath.
Ganito ang nasusulat, “Ang baptism ni Lord Jesus Christ na isinasagawa ng lahat ng Kristiyano ay ayon sa kanyang tunay na kahawig ay ang pagbaha sa panahon ni Noah,” kung saan kaya inilubog ni God ang buong mundo ay para luminis ito dahil pawang kasamaan at kamalasan na ang naghahari sa tao at mundo.
Dahil dito, isinasagawa ang baptismo upang luminis din ang tao, hindi lang sa mga kasalanan kundi maging sa kasamaan at kamalasan.
Sa ganitong katotohanan, ang paglilinis ay isinagawa sa pagwiwisik ng tubig sa mga bagay na pabebendisyunan, kotse man o bahay o kahit anong gamit.
1. Dahil dito, ang bahay na ayon sa nakatira ay malas ay dapat ding wisikan ng tubig habang idinarasal ang wish na mawala ang malas sa bahay.
2. Bukod sa bahay, ang mga gamit ay kailangan ding wisikan ng tubig.
3. Lalong kailangan na wisikan ang higaan o kuwarto na tinutulugan, kusina, salas at iba pang bahagi ng bahay.
4. Ang buong paligid ng bakuran ay mas maganda ring wisikan ng tubig.
5. Gayundin ang mga halaman.
6. Inirerekomenda rin na paliguan ang mga gamit sa bahay paminsan-minsan. Puwede itong gawin sa pamamagitan ng mabilisang pagpupunas ng basang basahan at pagkatapos ay dadampian ng tuyong basahan.
7. Ang flooring ay inirerekomenda rin na paliguan.
8. Sa panahon ng tag-ulan, paulanan ang mga gamit.
9. Ang mga taong nakatira sa bahay na nag-aakalang malas ang bahay ay dapat na isagawa paminsan-minsan ang tinatawag na ‘hard bath’ kung saan todong lilinisin ang buong katawan, mula ulo hanggang sa ilalim ng mga paa.
Lahat ay naniniwalang may powerful cleansing property ang tubig kaya mahalagang maisagawa ang water bath sa bahay.
(Itutuloy)




Comments