top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

After sabihing Senado muna bago showbiz… Sen. Bato lumambot, todo-sori kay Sen. Bong, tinawag pang l

  • Janice DS Navida
  • Nov 20, 2019
  • 2 min read

Binisita namin kahapon si Sen. Bong Revilla, Jr. sa kanyang opisina sa Senate upang mainterbyu para sa 28th anniversary special issue ng BULGAR sa December 2.

Isa sa mga napag-usapan namin ay ang issue ng droga na matagal nang problema sa bansa. Tinanong namin si Sen. Bong sa stand niya o solusyong dapat gawin sa mga adik at drug pushers-drug lords.

Aniya, “Kung ako ang tatanungin, save the user, ipa-rehab natin sila. Pero itong mga pusher na ‘to, drug lords, ‘di pinapatawad ‘yan. Salot ng lipunan ‘yan. Dapat hindi na umabot sa kulungan ‘yan. ‘Yun ang dapat tinotokhang nila.

“Pineperhuwisyo mo, buhay ng tao talaga. Du’n sa parteng ‘yun, amenable ako kay Pangulong Duterte.”

Dagdag pa ni Sen. Bong, naging governor siya ng Cavite nu’ng 1998-2001 at ginawa raw nila ang lahat para mapatahimik ang kanilang probinsiya na from being the murder capital of the Phils. ay naging “one of the peaceful provinces”.

“Ganyan ang pakikipaglaban, kamay na bakal, ‘di puwedeng lalambut-lambot ka d’yan dahil baka mamaya, babaligtarin ka pa,” hirit niya na waring tip na rin kay VP Leni Robredo na ngayon ay co-chairman ng ICAD (Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs).

Bago kami nagpaalam ay kinumusta namin kay Sen. Bong kung nagkita na ba sila ni Sen. Bato dela Rosa sa Senate hearing matapos ang naging hirit ng dating PNP chief na unahin muna niya ang Senado bago mag-artista.

Sabi sa amin ni Sen. Bong, okay na sila ni Sen. Bato, nag-apologize na raw ito dahil na-misquote lang daw ng media sa statement niya.

Ipinabasa rin sa amin ni Sen. Bong ang text message kung saan nag-sorry si Sen. Bato at tinawag pa siyang “idol”. Ayon sa kapwa niya senador, pinagsasabong lang daw sila ng media at wala naman daw masamang intensiyon si Sen. Bato sa sinabing unahin ni Sen. Bong ang Senado kesa showbiz.

Eh, malamang, inulan ng banat si Sen. Bato ng mga netizens kaya natauhan siya na hindi naging maganda ang dating sa iba ng naging statement niya laban kay Sen. Bong.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page