Magaling na aktres na na-depressed sa patung-patong na problema at pagkamatay ng madir, nabarkada sa
- Erlinda Rapadas T.
- Nov 19, 2019
- 1 min read

BLIND ITEM:
Labis na ikinatuwa at ipinagpasalamat ng malalapit na kaibigan ng isang magaling na aktres na ito ay tuluyan nang naka-recover mula sa matinding depression na nakaapekto sa kanyang career at personal na buhay.
Grabe kasi ang mga bagyo at pagsubok na dumating sa buhay ng premyadong aktres. Nabigo sa pag-ibig, nawalan ng mga mahal sa buhay at ang pagkamatay ng kanyang ina ang matinding dagok sa buhay na hindi niya nakayanan at ang hindi maganda, sa halip na mga trusted, loyal friends na magmamalasakit ang dumamay sa kanya, eh, mga BI (bad influence) na tropa ang nasa kanyang paligid.
Sa halip na mapagaan ang kanyang dinadalang problema, eh, lalo pang nasadlak sa kumunoy ang magaling na aktres.
Mabuti na lang at may ilan pa siyang matitino at mababait na kaibigan na umakay sa kanya sa matuwid na landas.
Nakaya niyang lagpasan ang madilim na chapter ng kanyang buhay.
Unti-unti ay naka-recover sa matinding depression ang aktres at nanumbalik ang kinang ng kanyang career. May pelikula siya ngayon at visible muli sa telebisyon.
Nakabangong muli ang magaling na aktres at masaya na ang kanyang mundo.





Comments